Sharon gabi-gabing iniiyakan si Kakie

Nanawagan ng dasal si Sharon ­Cuneta mula sa kanyang mga ­supporter, fan, para ­makayanan niya ang ­malapit-lapit na ngang paghihiwalay nila ng isa niyang anak na si Frankie Pangilinan, na mag-aaral ng college sa New York City.

sharon gabi gabing iniiyakan si kakie - Sharon gabi-gabing iniiyakan si Kakie
sharon 5 - Sharon gabi-gabing iniiyakan si Kakie

Nanawagan ng dasal si Sharon ­Cuneta mula sa kanyang mga ­supporter, fan, para ­makayanan niya ang ­malapit-lapit na ngang paghihiwalay nila ng isa niyang anak na si Frankie Pangilinan, na mag-aaral ng college sa New York City.

Sa post ni Sharon sa kanyang ­Instagram ng larawan nila ni Frankie na magka­hawak-kamay, sinabi niyang gabi-gabi siyang umiiyak ­kahit kasama pa niya ang anak ­ngayon.

Nauna na ngang bumalik ng ­Pilipinas si KC ­Concepcion, ganu’n din ang mga anak ­niyang sina Miel at Miguel, at ang ­mister niyang si Sen. Kiko, kasama ang yaya nila.

Tanging si ­Sharon na lang at ang yaya ni Frankie ang naiwan sa NYC.

Ayon kay Sharon, bumi­bigat nang todo ang puso niya sa papalapit na araw na iiwan niya si Frankie na mag-isa sa New York.

Ang nagpapalakas na lang daw ng loob ni ­Sharon ay ang pagkaka­kilala niya sa maturity nito kahit bata.

Alam ni Sharon na mahihirapan ­siyang mag-adjust na ­hindi niya ­kasama sa ­Pilipinas si Frankie kaya ­humihingi siya ng dasal sa mga fan na ­maging matatag ito sa mga susunod na araw.

(Rey Pum­a­loy)­

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *