Sharon, Gabby nagbati sa harap ng mga guro

Nagbunyi ang mga fan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, dahil finally ay nagbati na ang kanilang mga idolo.

sharon gabby nagbati sa harap ng mga guro - Sharon, Gabby nagbati sa harap ng mga guro
sharon x gabby - Sharon, Gabby nagbati sa harap ng mga guro

Dondon Sermino Paistaran 10 336x224 - Sharon, Gabby nagbati sa harap ng mga guroNagbunyi ang mga fan nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, dahil finally ay nagbati na ang kanilang mga idolo.

Hindi nga inaasahan ng lahat na sa event ng Gabay Guro magaganap ang pagbabati. Dahil last year nga ay inaasam ng mga fan na magsama ang dalawa, pero hindi nangyari.

‘Di ba nga, may pelikula sanang pagsasamahan sina Sharon at Gabby, pero hindi natuloy, na ang isyu nga raw ay dahil sa talent fee, na itinatanggi naman ni Gabby.

Anyway, ‘yun na nga, super saya ng mga fan dahil ang inaasam nila, naganap na nga, at posible ngang matuloy na ang pelikula na pagsasamahan ng dalawa.

“You NEED To watch Gabay Guro on their FB Live now. There’s gonna be a surprise!:-) #gabaygurograndgathering2019,” sabi ni Sharon.

Anyway, napanood na nga ng lahat ang pagsasama nila ni Gabby sa stage ng MOA, at kumalat na rin ang mga photo sa social media na magkasama sila, at nakaakbay pa si Gabby kay Shawie.

For sure, masayang-masaya si KC Concepcion ngayon, dahil nagkaayos na ang mga mahal niya sa buhay.

Heto nga ang chika ng mga fan:

gens_marlyn, “Ate dininig din thank you!!!! Napanood ko ang duet nyo!!!! bati na sila. Sana tuloy tuloy na friendship nila!! Yon lang naman masaya na ang lahat. Thanks.”

miano_alma, “Napanood ko na po SHAGAB same stage introduce po ni Gabby si Ms. Sharon po.”

gigi_czarny, “I got surprised. We, Sharonians got surprised. Very nice rendition of To Love Again and nice duet. Brings back memories of my GS/HS life.”

thecharmedann, “Loved the duet @reallysharoncuneta @concepciongabby. you made my night.”

Sa Instagram naman ni Pops Fernandez ay makikita ang photo na magkakasama sila nina Sharon, Gabby at Martin Nievera. Kaya lalong natuwa ang mga faney.

“And so this happened… the ex-factor… bts of #gabayguro2019 #whatamoment #pldtgabayguro,” sabi naman ni Pops.

leabapor2130, “The most popular love team of the 80’s. Sha and Gabby in the movie and Martin & you, Pipay sa concert at tv. So nice to see all of you together.”

charlitafarr7x7, “Omg! Two of the hottest love team in my era back in ph🇵. Wow love seeing u guys in one photo.”

Well, sana nga ay magtuloy-tuloy na, at sana nga ay matupad na ang wish ng mga fan na magsama silang muli sa isang pelikula. Lalo na nga at nagsabi na si Sharon na magpapahinga na siya sa showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *