Sharon, Gabby movie type iprodyus ni Kris

Nasa Japan pa rin si Kris Aquino ngayon para sa bakasyon, at pagpapalakas na rin bago sumabak sa shooting ng “(K)Ampon”.

sharon gabby movie type iprodyus ni kris - Sharon, Gabby movie type iprodyus ni Kris
ABANTE Sharon Gab - Sharon, Gabby movie type iprodyus ni Kris

Nasa Japan pa rin si Kris Aquino ngayon para sa bakasyon, at pagpapalakas na rin bago sumabak sa shooting ng “(K)Ampon”.

May mga pagbabago ngang magaganap sa movie na ito. Unang-una, hindi na nga si Derek Ramsay ang leading man niya, kundi si Gabby Concepcion na raw.

Pero, kahit hindi na nga si Derek ang leading man niya, hindi nangangahulugan ‘yon na sinira na rin nila ang friendship nila.

“@krisaquino enjoy your happy place,” mensahe ni Derek kay Kris.
At heto naman ang sagot ni Kris:

“Hello @ramsayderek07 it popped out that you liked this comment. Please tell @andreaetorres to not text me with ‘po’ in her message? I’m not going to be her mother in law. Glad we had that long talk and came to an understanding about our scheduling conflicts because you’re right, people don’t throw away almost 15 years of friendship because of a movie. My love to Tita Medy. And looking forward to seeing your whole family soon,” sabi ni Kris.

Nagtaka lang ako na parang biglang nawala ang mensahe ni Gabby kay Kris, na kung saan ay sinabi naman ni Kris na interesado siyang maki-pag-coproduce sa pelikula nina Sharon Cuneta at Gabby, ha!

At sa ilang mensahe ng mga fan, sinabi nga ulit ni Kris na desidido siyang magprodyus ng pelikula para kina Gabby at Sharon. ‘Yun ay kung papayag na ba ang magkabilang kampo na magsama sa movie.
Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *