Sharon, Gabby, Frankie magkasama sa ‘Gabay Guro’

Ngayong Sabado (Oct. 3) na magaganap ang kauna-unahang “virtual” grand gathering ng Gabay Guro, ang taunang teacher’s fest na bahagi ng Gabay Guro core pillars para sa lahat ng mga guro sa bansa.

The post Sharon, Gabby, Frankie magkasama sa ‘Gabay Guro’ first appeared on Abante.

sharon gabby frankie magkasama sa gabay guro - Sharon, Gabby, Frankie magkasama sa ‘Gabay Guro’
sharon 8 - Sharon, Gabby, Frankie magkasama sa ‘Gabay Guro’

ambetabol ambet nabus 1 1 300x200 - Sharon, Gabby, Frankie magkasama sa ‘Gabay Guro’Ngayong Sabado (Oct. 3) na magaganap ang kauna-unahang “virtual” grand gathering ng Gabay Guro, ang taunang teacher’s fest na bahagi ng Gabay Guro core pillars para sa lahat ng mga guro sa bansa.

Sa tagal na naming volunteer (it started in 2007 and we got in 2008) sa naturang advocacy program ng PLDT-Smart Foundation, ngayon nga lang ito mangyayari dahil nga sa Covid pandemic.

And yet, super bongga pa rin ang line-up of celebrities na ang iba nga din ay naging volunteers na gaya nina Regine Velasquez, Pops Fernandez, Gabby Concepcion at iba pa.

Sa magaganap na virtual show na magsisimula ng alas-3 ng hapon, magsisilbing host sina Edu Manzano, Xian Lim at Iza Calzado. Merong mga parent-sibling duets na gagawin sina Sharon Cuneta-Frankie & Miel Pangilinan, Zsa Zsa Padilla and Karylle, Ogie-Leila Alcasid, Dingdong-Jayda Avanzado at Piolo-Inigo Pascual.

Nandiyan pa rin sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ian Veneracion, Bea Alonzo, Derek Ramsay, Lani Misalucha, Jaya, Jed Madela, Randy Santiago, MayWard, KZ Tandingan, Kyla, Sam Concepcion, Juris, Julie Ann San Jose, Mark Bautista, Joey G, Luke Mijares, Jinky Vidal, Klarisse, Ebe Dencel, Paolo Santos, Zephie Dimaranan, TNT Boys, Nyoy Volante, Raimund Marasigan, Teddy Corpuz, Christian Bautista, Jugs Jugueta, Rayver Cruz, Rodjun Cruz at Ella Cruz.

Tiyak na kahit nasa kani-kanilang mga bahay ang mga gurong nakapag-register online (via Gabay Guro Facebook page), 100% silang magi-enjoy sa entertainment na ibibigay ng mga naturang artist at magkakaroon pa sila ng maraming chances para manalo ng sandamakmak na prizes.

Puwede rin itong mapanood ng kahit sinong interested pero siyempre dahil Teacher’s Fest ito, yung mga naka-rehistrong teachers lang ang makakasali sa mga raffle draw.

Proud na proud nga si Chaye Cabal-Revilla na siyang brainchild ng proyektong ito dahil sa ika-13 taon ng Gabay Guro, higit itong naging makabuluhan at sa dami ng mga volunteers and team members na nagpapatakbo at nagsisigurong may kalidad ang bawat aspeto ng show, kahit nga ang virus na Covid ay walang puwang.

Here is cheering good luck and congratulating in advance mga Kapatid!

The post Sharon, Gabby, Frankie magkasama sa ‘Gabay Guro’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *