Sharon feeling senti sa pagpapaseksi ni Frankie

Mas dumami pa ang followers ng dalaga nina Sen. Kiko Pa-ngilinan at Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan matapos nitong i­poste ang isa sa mga natatangi nitong mga photos sa Instagram.

The post Sharon feeling senti sa pagpapaseksi ni Frankie appeared first on Abante News Online.

sharon feeling senti sa pagpapaseksi ni frankie - Sharon feeling senti sa pagpapaseksi ni Frankie
ABANTE sharon cuneta2 - Sharon feeling senti sa pagpapaseksi ni Frankie

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Sharon feeling senti sa pagpapaseksi ni FrankieMas dumami pa ang followers ng dalaga nina Sen. Kiko Pa-ngilinan at Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan matapos nitong i­poste ang isa sa mga natatangi nitong mga photos sa Instagram.

Humanga ang netizen sa kagandahan ni Frankie nang iposte nito ang latest bikini shot niya na kuha sa Boracay Island.

Naka-two piece si Frankie sa dalawang nasabing larawan. Ang isa ay nakaharap sa kamera na nagpapakita ng kanyang kaseksihan na namana niya sa kanyang ina noong kabataaan nito, at ang mahaba naman nitong legs ay nakuha naman niya sa kanyang matangkad na ama.

Maliwanag na makikita sa lara-wan ang kaseksihan ni Frankie, sa magandang hubog ng katawan nito.

Hindi maiwasang maging senti ni Sharon sa anak dahil parang kailan lang ay neneng-nene pa ito.

Pero ngayon ay namumukadkad na ito sa pagkadalaga at may malaking confidence sa kanyang personality.

Ang mga nasabing larawan ay special dahil isa si Frankie sa iilang mga celebrity na madalang mag-post ng kanyang mga bikini shot.

Dani Barretto bundat na

Binalandra na ni Dani Barretto ang kanyang kabuntisan sa Instagram, sa post nito ng pagdalo niya sa Mega Equality Ball kamakailan lang.

Sa Instagram post niya, naka-gown si Dani at hawak-hawak nito ang kanyang tiyan.

Nag-senti si Dani sa kanyang kundisyon at sinabi nitong ang buhay na dala-dala niya sa kanyang tiyan ang pinagkukuhanan niya ng inspirasyon at purpose sa buhay.

Sabi pa niya, “I never thought this kind of happiness was even possible.”
Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahang pagkakataong ipinangalandakan na ni Dani ang kanyang pagbubuntis sa madla.

May mga posting ito na hindi makikita ang laki ng kanyang tiyan dahil kung hindi ito naka-upo, nakasuot ito ng maluwag na damit o natatakpan ng kung ano o sino ang kanyang tiyan.

Anyways, sa mga susunod na buwan ay magiging lola na si Marjorie Barretto, ang kanyang ina, at magiging lolo na ang biological father niyang si Kier Legaspi.

May ilang mga umaasang maipapakita naman ni Dani ang kanyang anak kay Kier, kahit hindi sila in good terms nito.

Heart sobrang sensual, kaelya-elya ang dating

Pagdating sa fashion, mahirap talagang kabugin ang isang Heart Evangelista.
Nanalasa sa kanyang ganda at aura si Heart Evangelista sa kakatapos lang na Mega Equality Ball.

Sa Instagram post pa lang, humakot na ng pa-puri ang Kapuso artist sa suot nitong rose gold shimmering gown na gawa ni Mark Bumgarner.

Nagpapakita ng kanyang sensuality at elegance si Heart sa suot nitong gown.
Umaalsa ang malulusog niyang boobs sa bustier gown niya at nakalitaw naman ang kanyang legs sa slit.

Sa kurba naman ng gown, hubog na hubog ang kaseksihan ng aktres na animo’y isa talaga siyang diyosa.

Bumagay pa ang makeup nito sa kabuuang look nito nu’ng gabi kaya naman umuusok ang alindog nito.

Marami ang nag-effort nang gabing ‘yun sa ball para lang mapansin, pero kakaiba talaga ang pasabog ng isang Heart Evangelista.

Wala nang masuwerteng lalaki sa buong gabing ‘yun kundi ang asawa niyang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Paco nanghingi ng ₱3K sa mga fan panggastos sa Introvoyz concert reunion

Humihingi ng tatlong libo ang Introvoyz band front liner na si Paco Arespacochaga sa tatlong libo niyang mga fan sa Pilipinas.

Nag-post ng video shout-out si Paco na humihikayat sa kanyang mga “real & true” fans ng kanilang banda na sumali sa event na ito para sa homecoming concert ng kanilang banda.

Matagal nang naninirahan sa Amerika si Paco, pati na ang iba pang members ng kanilang band.

Nasa loob ng kanyang sasakyan si Paco nang gawin ang video shout-out niyang ito.

Ipinaliwanag niyang hindi magtugma ang kanilang intensyon na makapag-concert sa ‘Pinas at sa mga producer na kumukuha sa kanila.

Sa meeting niya sa kanyang mga bandmates, nag-suggest siya ng 3K to 3K para maisakatuparan ang homecoming reunion concert.

Masusing ipinaliwanag ni Paco sa video na bawat fan na inaasahan nilang tatlong libong attendees ay magdu-donate o magbibigay ng tatlong libo.

Intimate at very private ang gagawing concert na tatagal ng dalawang oras.

Hindi ia-advertise o ibebenta ang mga tickets online.

Para lang ito sa mga nagbigay ng 3K na solid fans ng kanilang grupo.

Bukod sa meet & greet, mabibigyan ng download card for free sa lahat ng mga kanta ng Introvoyz, kapalit ng tatlong libong ibibigay nila para sa event.

Posible ring mabigyan ang mga ito ng commemorative limited edition t­-shirts.

Kapag nabuo ang inaasahang 3K to 3K system ng Introvoyz, magaganap ang concert ngayong taong ito sa November o sa November 2020.

Sinabi rin ni Paco ang mga depositing station na siyang puwedeng puntahan ng mga fan na maglalagay ng tatlong libo.

The post Sharon feeling senti sa pagpapaseksi ni Frankie appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *