Sharon ‘di masama ang loob kay Digong

Sumagot na si Megastar Sharon Cuneta sa isyung diumano’y ayaw nang umuwi sa kanilang bahay ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

sharon di masama ang loob kay digong - Sharon ‘di masama ang loob kay Digong
sharon 12 - Sharon ‘di masama ang loob kay Digong

Sumagot na si Megastar Sharon Cuneta sa isyung diumano’y ayaw nang umuwi sa kanilang bahay ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Matatandaang hindi naiwasang banggitin ni President Rodrigo Duterte ang isyung ‘yan habang inihahayag ang kanyang mga sentimyento tungkol sa pagpapababa ng edad sa criminal liability.

“Pinapaalis na nga ng asawa niya sa bahay niya, ayaw kay wala ibang matirahan. Totoo. Tanungin mo,” ani Duterte kamakailan sa isang speech. “At kung sabihin mo nagsisinungaling ako, I will resign. Ang sinasabi ko totoo ‘yan,” aniya pa.

Para naman kay Mega, wala siyang hard feelings para sa Pangulo sa kabila ng nabitawang isyu tungkol sa kanilang pamilya.

Ayon kay Mega, hindi naman siya nasaktan sa sinabi ni Pangulo dahil tinuturing pa rin niya itong Tatay niya.

“Alam mo naman, tatay ko yun… Parang tatay na hindi nag-a-approve sa boyfriend mo, parang ganon,” saad ni Sharon ayon sa mga ulat.

Bukod pa riyan, naiintindihan naman daw ni Sharon kapag nagbibitaw ng ganoong salita ang Pangulo dahil malalim-lalim naman na ang kanilang pinagsamahan ni Digong pati ang pamilya nito.

“Kasi, I cannot be angry at him because I have a history with him, yung pamilya ko, wala. My father, since Inday Sarah was very small. Parang kami nina Jinggoy (Estrada). Ganon na katagal, hindi basta-bastang pwedeng ano.. parang tatay. So, ang wish ko lang, someday, magkakilala sila ni Kiko. Saka tatay is very protective of me. Pero gusto ko lang ipaalam sa kanya na okay na okay kami ngayon,” kuwento pa ni Megastar.

Samantala, wala pa namang reaksyon o anumang pahayag mula kay Senator Kiko kaugnay sa naturang isyu. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *