Shaina, Piolo lambingan to death sa Cannes

Si Shaina Magdayao nga ba ang sikretong dyowa ni Piolo Pascual? Si Shaina na madalas ka-date ni Papa P sa Star Magic Ball noon. Si Shaina na madalas kasabay na umuwi, gumimik ni Piolo, kasama ang iba pang mga kaibigan, kapag tapos na ang isang party.

The post Shaina, Piolo lambingan to death sa Cannes appeared first on Abante News Online.

shaina piolo lambingan to death sa cannes - Shaina, Piolo lambingan to death sa Cannes
sajani - Shaina, Piolo lambingan to death sa Cannes

Dondon Sermino

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Shaina, Piolo lambingan to death sa CannesSi Shaina Magdayao nga ba ang sikretong dyowa ni Piolo Pascual? Si Shaina na madalas ka-date ni Papa P sa Star Magic Ball noon. Si Shaina na madalas kasabay na umuwi, gumimik ni Piolo, kasama ang iba pang mga kaibigan, kapag tapos na ang isang party.

Si Shaina na sinasabayan ni Piol­o sa pagsasayaw, lalo na kapag medyo may tama na sa red wine.

Well, marami na naman ang kinilig sa mga inilabas na photo ng dalawa mula sa Cannes Film Festival. Eh kasi naman, again, holding hands, at feel na feel ang lambingan sa kanilang dalawa.

Kahit sino nga ay mag-iisip, na hanggang Cannes, nagpapaulan ng kilig ang dalawa, ha!

“Had a great week celebrating the premiere of our latest film, Lav Diaz’ Ang Hupa at the Cannes film festival… Catch us soon in theaters… to God be the glory…” caption ni Piolo sa photo na kasama niya si Shaina at iba pa.

“At the @quinzaine_des_realisateurs HQ before @anghupafilm ‘s World Premiere. SINE NI LAV DIAZ #LavDiaz. Merci infiniment, @festivaldecannesand @quinzaine_des_realisateurs !!! An honor. Salamat to our Rockstar Director Lav Diaz and my co actors #TeamPilipinas#fortheLAV,” sabi naman ni Shaina.
Pero ‘yung holding hands, o lambingan nga nila ang mas pinansin ng mga fan. Kahit daw ang outfit nila ay pinaghandaan nila para mas maging bagay sila sa isa’t isa.

Heto nga ang chicka ng mga fan:
misiswentzel: “Love u and piolo.”

ledelyn725: “@shaina_magdayao you look good po with papa P @piolo_pascual.”
ninealmazan: “Love seeing you and papa P toge-ther.”
mejielay93: “Congratulation to my all time fave actress @shaina_magdayaoAng ganda2 mo talaga.”

johnmichael.calzada: “Continue to be hopeful. Congratulations to the whole @anghupafilm thanks to @edith.farinas.”
bojoteri: “Congrats sa inyo @piolo_pascual and @shaina_magdayao … black and white outfits, gwapo and maganda… hhww… Hay sarap tingnan… bagay na bagay.”
Well…

Doraemon Kapamilya na

Masayang panonood ang inihatid ng “Doraemon” sa kauna-unahang pag-ere ng mga “never before seen episodes” nito sa YeY Channel ng inyong ABS-CBN TVplus noong Mayo 27.

Sundan ang ating favorite robotic cat na may pambihirang bulsa kasama ang kanyang mga kaibigang sina Nobita, Shizuka, Suneo, at Gian.

“Masaya kami at very excited dahil Kapamilya na si Doraemon at ang mga kaibigan nito. Siguradong maghahatid sila ng hindi lamang ng kasiyahan, pati na mabu-ting aral sa mga kabataang Pilipino,” ani YeY Channel Head Danie Sedilla-Cruz.

Ang YeY ay isang free at exclusive na channel sa ABS-CBN TVPlus, na makukuha sa one-time payment na P1,499.

Ang ABS-CBN TVPlus signal coverage ay avai-lable sa Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Batangas at Cavite. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang tvplus.abs-cbn.com at sundan ang ABS-CBN TVplus at YeY sa Facebook. Maaari ring mag-subscribe sa YeY YouTube channel para makapanood ng YeY araw-araw.

The post Shaina, Piolo lambingan to death sa Cannes appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *