Shaina ‘nganga’ kay Piolo

Diretsahang sinabi ni Shaina Magdayao na wala siyang dyowa ngayon at nakatuon ang pansin niya sa career, lalo na ngayon at kasagsagan ng promo ng pelikulang “Tagpuan” na pinagbibidahan nila nina Cong. Alfred Vargas, Iza Calzado, at dinirek ni Mac Alejandre, sa panulat ni Ricky Lee.

The post Shaina ‘nganga’ kay Piolo first appeared on Abante.

shaina nganga kay piolo - Shaina ‘nganga’ kay Piolo
abante shaina - Shaina ‘nganga’ kay Piolo

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Shaina ‘nganga’ kay PioloDiretsahang sinabi ni Shaina Magdayao na wala siyang dyowa ngayon at nakatuon ang pansin niya sa career, lalo na ngayon at kasagsagan ng promo ng pelikulang “Tagpuan” na pinagbibidahan nila nina Cong. Alfred Vargas, Iza Calzado, at dinirek ni Mac Alejandre, sa panulat ni Ricky Lee.

Sa virtual mediacon ay ay inamin ni Shaina na naging lost soul siya, gaya rin ng karakter niya sa Tagpuan. May mga panahong gusto na niyang mag-quit sa showbiz.

Tinanong ko si Shaina kung pati ba sa paglagay sa tahimik, o pagkakaroon ng sariling pamilya ay lost din siya?

Sagot niya, ipinauubaya na lang niya sa Diyos ang lahat. Sa ngayon ay naka-focus daw siya sa career.

Diretso kong tinanong si Shaina kung may dyowa siya, at mabilis niyang sinagot na ‘wala’.

Meaning, hindi nauwi sa relasyon ang samahan nila ni Piolo Pascual!

***

Sey mo Derek? Andrea pinaligaya ng doktor

Bigo man sa lovelife kay Derek Ramsay, tagumpay naman ang nararamdaman ngayon ni Andrea Torres sa achievement ng kapatid niyang doktor na si Angeli Eloise Torres, na nakapagtapos ng training sa dermatology, sa Henry Ford Hospital sa Detroit Michigan.

Sumisigaw sa tuwa si Andrea sa Instagram post niya ng dalawang larawan ng kapatid hawak-hawak ang certificate of training nito katabi ang dalawang doktor.

Ipinangalandakan ni Andrea na kapatid niya ang nasa larawan.

Sa labis na kasiyahan parang hindi dumadaan sa kabiguan si Andrea sa nakaraang break up nila ni Derek.

The post Shaina ‘nganga’ kay Piolo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *