Shaina na-in love, feeling stalker kay ‘Batman’ Pattinson sa Cannes

Kasalukuyan ngang umeeksena si Shain­a Magdayao ngayon sa France, para sa Cannes Film Festival 2019. Si Shaina nga ang isa sa mga bida ng pelikulang “Ang Hupa/The Halt” na kasama sa Cannes.

The post Shaina na-in love, feeling stalker kay ‘Batman’ Pattinson sa Cannes appeared first on Abante News Online.

shaina na in love feeling stalker kay batman pattinson sa cannes - Shaina na-in love, feeling stalker kay ‘Batman’ Pattinson sa Cannes
ABANTE shiana - Shaina na-in love, feeling stalker kay ‘Batman’ Pattinson sa Cannes

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Shaina na-in love, feeling stalker kay ‘Batman’ Pattinson sa CannesKasalukuyan ngang umeeksena si Shain­a Magdayao ngayon sa France, para sa Cannes Film Festival 2019. Si Shaina nga ang isa sa mga bida ng pelikulang “Ang Hupa/The Halt” na kasama sa Cannes.

“We made it to #CANNES2019. Humbly representing the Philippines for Lav Diaz’s film, Ang Hupa / The Halt,” sabi ni Shaina.

Makikita nga sa Instagram story ni Shaina ang pagrampa-rampa niya sa Cannes, at sobrang suwerte nga niya na nakakahalubilo niya ang mga sikat na artista sa buong mundo.

“Got my official badge! 🇫🇷 All set for the Opening Ceremony of @quinzaine_des_realisateurs. An honor to represent the Philippines’ Ang Hupa/The Halt Sine ni LAV DIAZ. #TheHalt #AngHupa #LavDiaz.”

At kung mababasa, mapapanood lang ng aktor at bagong Batman na si Robert Pattinson ang mga IG video, post ni Shaina, baka kiligin din siya. May pagka-stalker nga ang da-ting ni Shaina kay Robert, dahil lahat ng kilos nito ay nakukunan ng video/phone na hawak niya.

Aba, kung dito sa Pilipinas ay walang inaamin si Shaina na nagpapakilig sa kanya, sa Cannes ay aminado siyang na-in love nga siya.

“Robert Pattinson, he’s so kyot,” sabi ni Shaina sa video na nasa stage ang aktor, kasama ang isa pang Hollywood actor na si Willem Dafoe.

“Robert Pattinson who has level up his ac-ting skilllzzzzzz and looks. I crush you na.

“I fell in love,” caption pa ni Shaina sa video nina Robert, Willem, na siya mismo ang kumuha.

Nanood nga si Shaina ng “The Lighthouse” na pelikula nina Robert at Willem.

Wish ko lang ay magkaroon ng photo si Shaina na kasama niya si Robert, ha!

Alodia, Chris magsasama sa ‘I-Bilib’

Sa “I-Bilib” ngayong Linggo, iwi-welcome ni Chris Tiu ang Philippine Cosplay Queen na si Alodia Gosiengfiao, pati na ang komedyanteng si Mikoy Morales.

At matututunan nila ang secret behind the coin vanishing behind a cloth trick. At sa “Bilibabols,” two teams of I-Bilibers battle it out in the “Suck for the Duck” challenge by sucking water into a straw, at ita-transfer to a bowl where a toy rubber ducky is wai-ting so it can float all the way to the brim.

Meanwhile, the ‘Street Genius’ team discovers how one moving pendulum influences another that isn’t moving, as well as patterns created by sand atop a metal sheet on an audio speaker blasting out test tones.

At sa “Huling Hirit,” bibigyan ni Chris ng 6 pencils sina Alodia at Mikoy, at kailangan nilang i-arrange ‘yon to make each pencil touch all the rest. ‘Yan ang mga dapat asahan sa “I-Bilib” sa Sunday morning on GMA!
***

Mikee binasura si Yasmien para kay Manilyn

Sa “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa Linggo, magugulat si Kring (Mikee Quintos) nang umuwi sa Kahel (Yuan ‘Paopao’ Francisco) kasama ang isang cardboard mommy. Siya naman ang nagpunta sa cellphone stall upang humingi ng tulong sa pagbabalik sa dating anyo ng kanilang nanay.

Sinabi ng may-ari na kailangan lang nitong gawin ang isang bagay upang bumalik sa dating anyo ang kanilang tunay na ina– tigilan na niya ang paggamit kay Download Mommy (Yasmien Kurdi). Na-ngangahulugan na tuluyan nang mawawala habambuhay si Download Mommy– maging ang mga bagay na binigay ni Download Momm­y ay maglalaho din.

Naguguluhan ngayon si Kring. Kaya ba niyang pakawalan ang mga materyal na bagay na kanyang pinapangarap? Higit pa sa mga materyal na bagay, ang pagkawala ni Download Mommy ay magtutulak sa kanila ni Kahel na muling gumawa ng mga gawaing bagay. Kakayanin kaya ni Kring na bitawan ang kaginhawaan na kanya ngayong tinatamasa?

Habang hindi pa nakakapag-desisyon si Kring, nakapulot ito ng isang birthday letter na isinulat ng kanyang tunay na ina habang siya ay wala.

Sinasabi ng sulat kung gaano kamahal ni Kristel (Manilyn Reynes) ang kanyang anak. Humihingi ito ng paumanhin sa kanilang masalimuot na buhay subalit ipinapangako niya na bubusugin nito ang mga anak sa pagmamahal. Lumuluhang tinapos ni Kring ang mensahe at nakapagdesisyon. Handa na siyang magpaalam kay Download Mommy.

Kumuha ng isang special tablet ang stall owner at may ipinakita kila Kring at Kahel. Pinalabas niya ang clips ni Kristel sa kanyang pinapasukang trabaho. Pinanuod nila Kring at Kahel kung paano nagsumikap ang kanilang ina na magbanat ng buto kahit pagod na. Nauliratan ang dalawa sa paghihirap ng ina para sa kanila at sa pamilya nila.

Sa huli, natutunan ni Kring na pahalaga-han ang pagmamahal at sakripisyo ng kanilang ina. Natutunan din niya ang magpasalamat sa buhay na ibinigay ng kanyang tunay na ina.

The post Shaina na-in love, feeling stalker kay ‘Batman’ Pattinson sa Cannes appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *