Sey niyo Cat, Janine? Rabiya nangakong ‘di iiwan si Neil Salvacion

Pinakamasuwerteng lalake sa Pilipinas, at malay natin, pati sa buong Universe, ang tingin kay Neil Salvacion, dahil siya nga ang mapalad na dyowa ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, sa loob ng anim na taon.

The post Sey niyo Cat, Janine? Rabiya nangakong ‘di iiwan si Neil Salvacion first appeared on Abante.

sey niyo cat janine rabiya nangakong di iiwan si neil salvacion - Sey niyo Cat, Janine? Rabiya nangakong ‘di iiwan si Neil Salvacion
abnate rabiya - Sey niyo Cat, Janine? Rabiya nangakong ‘di iiwan si Neil Salvacion

Pinakamasuwerteng lalake sa Pilipinas, at malay natin, pati sa buong Universe, ang tingin kay Neil Salvacion, dahil siya nga ang mapalad na dyowa ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, sa loob ng anim na taon.

At ngayon pa lang, sinasabi na ni Rabiya, na kahit masungkit pa niya ang korona, hinding-hindi niya iiwan ang pinakamamahal na dyowa.

“We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend. We’ve been together since college. I can make a man stay,” sabi ni Rabiya.

Naka-video nga raw ang pangako niya kay Neil na kahit masungkit niya ang mga koronang inaasam niya, hindi sila maghihiwalay.

Si Neil ay isang nurse, at kilala ring kontesero sa Iloilo. Bukod sa guwapo, matangkad, edukado rin ang binata.

Mababasa mo nga ang mga komento na si Neil ay isang mabait na tao.

Anyway, sana nga raw ay mapanindigan ni Rabiya ang relasyon nila. Ang tukso nga ng mga fan sa chikahan na `yon, Catriona Gray at Janine Tugonon left the group.

Well, alam naman natin ang nangyari sa relasyon nina Cat at Clint Bondad, at Janine at dyowa niya, di ba?

Lalo na at mukhang naaliw si Rabiya na inili-link siya kay Alden Richards. Nire-repost nga niya ang mga photo na kuha sa Eat Bulaga Bawal Judgmental na titig na titig sa kanya si Alden, eh. (Dondon Sermino)

The post Sey niyo Cat, Janine? Rabiya nangakong ‘di iiwan si Neil Salvacion first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *