Sey niyo ArMaine? Sylvia hindi pa handang maging ‘lola’

Kachika namin si Sylvia Sanchez noong mga oras na nasa Palawan sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na nagsi-celebrate ng kanilang ikalawang anibersaryo bilang magdyowa.

The post Sey niyo ArMaine? Sylvia hindi pa handang maging ‘lola’ first appeared on Abante.

sey niyo armaine sylvia hindi pa handang maging lola - Sey niyo ArMaine? Sylvia hindi pa handang maging ‘lola’
abante maine arjo 1 - Sey niyo ArMaine? Sylvia hindi pa handang maging ‘lola’

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 2 300x180 - Sey niyo ArMaine? Sylvia hindi pa handang maging ‘lola’Kachika namin si Sylvia Sanchez noong mga oras na nasa Palawan sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na nagsi-celebrate ng kanilang ikalawang anibersaryo bilang magdyowa.

Nagpa-special preview nga ang Coming Home para sa mga kapwa artista na gusto na agad mapanood ang pelikula. Pero bago nga ang special preview, super chika muna kami kay Ibyang.

Anyway, ano nga ba ang plano ni Sylvia sa 2021?

“Ang mabuntis! Hahahahaha!” natatawang sagot niya.

Aba, mukhang nami-miss na talaga niya ang mag-alaga ng ‘baby’ o magkaroon ng ‘sanggol’ sa bahay nila, ha?

“Hindi na puwede `yon! Malabo na! Matanda na ako! Hahahaha!” sey ulit niya.

So, sinunod na agad ang tanong kung ‘gusto na ba niyang magkaapo?’

“Ay naku, ayan na naman tayo! Christmas gift niyo na sa akin ‘yan!” paiwas na sagot ni Sylvia.

Nilinaw na rin ni Sylvia `yung in-assume ng ibang manunulat na kesyo nadulas siya, na nasabi niya na wini-welcome niya ang paglaki ng pamilya niya, na kesyo baka pakakasal na sina Arjo at Maine.

“Ah, oo in-assume nila na baka magpakasal. Wala akong sinabing ganun!” sabi ni Sylvia.

“Hindi ako nadulas. Hindi naman ako madudulas. Kung meron, meron. Sasabihin ko naman!” sabi ni Sylvia.

Giit nga ni Sylvia, kung siya ang masusunod, mas bet niya na huwag munang magmadali sina Arjo at Maine.

“Ako ang sinasabi ko lang, huwag muna. Pero kung gusto na ni Arjo, o ni Ria ang mag-asawa, wala naman akong magagawa. Pero ano kasi, mas maganda kung trabaho muna!

“Tapos make sure na maayos na muna. Pero kung gusto na nila mag-asawa, wala namang problema sa akin. Puwede ko bang harangan `yon?

“Harangan mo man ng katakot-takot na sibat, ang mga taong nagmamahalan, naku, titibagin ka niyan!” sabi ni Sylvia.

Pero, si Arjo ba wala pang paramdam na gusto na nitong mag-asawa, o magpakasal sila ni Maine?

“Teka lang, Coming Home ang presscon, bakit si Arjo ang pinag-uusapan natin? Hahahahaha!” harang ni Sylvia.

Well…

Jinggoy mahusay magpaiyak

Meanwhile, malaki nga ang laban ni Jinggoy Estrada kay Phillip Salvador, kung akting ang pag-uusapan.

Posible ngang maglaban sina Jinggoy at Ipe na parehong mga bida sa kanilang mga pelikula, ang Coming Home kay Jinggoy, at Isa Pang Bahaghari kay Ipe.

Pero sabi nga nila, hindi dapat kalimutan ang performance ni Michael de Mesa sa Isa Pang Bahaghari, dahil sobrang husay nga rin nito.

“Sa trailer ko pa lang napanood ang movie ni Ipe. Tingnan natin!” natatawang sabi ni Jinggoy.

May isang eksena si Jinggoy sa Coming Home na bigla na lang nagpatulo ng luha ng mga manonood. Ito nga `yung lumuhod siya kay Edgar Allan Guzman.

“Ang sakit ng tuhod ko doon,” natatawang sabi ni Jinggoy.

Ang lakas nga ng dating ng eksenang `yon, na walang masyadong linya, pero ramdam, tagos sa puso ang mensahe.

Hindi ko na idedetalye kung bakit, paano, at kung ano ang naganap pagkatapos ng eksenang `yon, pero sabi nga nila, iba na si Jinggoy ngayon, na ang husay-husay na nga raw magpaiyak.

“Sa mga pinagdaanan ko, hindi pa ba ako matututong umiyak? Hahahaha!” saad niya.

The post Sey niyo ArMaine? Sylvia hindi pa handang maging ‘lola’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *