Sey ng mga fan: Paulo hindi nagpakatatay sa anak kay LJ

Ang daming hanash sa maikling thank you speech ni Paulo Avelino nang manalo siyang Best Actor sa pelikulang “Fan Girl” ng MMFF 2020.
The post Sey ng mga fan: Paulo hindi nagpakatatay sa anak kay LJ first appeared on Abante.


Ang daming hanash sa maikling thank you speech ni Paulo Avelino nang manalo siyang Best Actor sa pelikulang “Fan Girl” ng MMFF 2020.
Dalawa ang isyu ng netizens sa maikling message ni Paulo. Sinabi kasi nito na “Pinapanalangin ko na umayos na ang lahat. Kumapit lang tayo, na giginhawa ulit ang pamumuhay natin.”
At saka niya idinedicate sa anak nila ni LJ Reyes ang kanyang award. Aniya, “This is for you Aki.”
Una, ano raw ang kinalaman ng pamumuhay ng mga Pinoy sa trophy na napanalunan nito. Si Paulo lang naman daw ang nanalo, so paano raw giginhawa ang lahat.
Ang linaw naman ng sinabi ni Paulo, “ipinapanalangin” niya na umayos na ang lahat at giginhawa rin. Siguradong ang situwasyon natin ngayon dahil sa COVID-19 na kung tutuusin, sobrang behind na tayo kung ikukumpara kahit sa ilang karatig bansa natin.
Second, hindi raw kailangan ng anak nito, si Aki ang trophy, ang kailangan ay ama.
Maraming nagmamarunong at parang alam ang lahat ng nangyayari sa buhay ng artista kahit sa likod ng camera.
Si Paulo ang ama ni Aki. At maaaring hindi siya ang kasama ng bata sa araw-araw pero, isa sa sigurado, mahal na mahal nito ang anak.
Lim da best dyowa kay Chiu
Hindi lang ang beautiful Dantes family nina Dingdong Dantes, Marian Rivera at mga anak na sina Zia at Ziggy ang magkakasamang nag-spend ng pagtatapos ng Christmas naman sa beach, ang going stronger pa rin na sina Kim Chiu at Xian Lim ay nasa beach din.
Nasa Boracay ang dalawa at hindi lang silang dalawa, kasama nila ang buong pamilya ni Kim.
Kaya ganun na lang ang pasasalamat nito sa boyfriend. Nag-post nga ito ng appreciation para kay Xian.
Sey ni Kim, “Appreciation post to this guy right here. Thank you for making this trip possible, plus thank you for keeping up with the CHIU’s!!! Kahit isang barangay kami. Haha
“You know how much this mean to me seeing my fam happy! You’re the best Mr. Thank you!”
Nag-reply naman si Xian sa post ni Kim nang, “awww! Kakamiss naman! Tara ulit!”
The post Sey ng mga fan: Paulo hindi nagpakatatay sa anak kay LJ first appeared on Abante.