Sey ng mga fan: Janella pasaway na buntis

Maraming netizen ang pumuna kay Janella Salvador bilang pagpapaalala sa ipinapalagay nilang kundisyon nito (buntis?), na para sa kanila ay posibleng maglagay sa peligro sa kanyang dinadala.

The post Sey ng mga fan: Janella pasaway na buntis first appeared on Abante.

sey ng mga fan janella pasaway na buntis - Sey ng mga fan: Janella pasaway na buntis
Janella Salvador 3 - Sey ng mga fan: Janella pasaway na buntis

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Sey ng mga fan: Janella pasaway na buntisMaraming netizen ang pumuna kay Janella Salvador bilang pagpapaalala sa ipinapalagay nilang kundisyon nito (buntis?), na para sa kanila ay posibleng maglagay sa peligro sa kanyang dinadala.

Pinoste ni Janella sa Instagram ang selfie niya habang nasa harap niya ang tasa at brand ng coffee.

“Just my morning coffee and I’m passing through,” caption niya.

Obyus na endorser si Janella ng nasabing kape. Pero, hindi ito nagustuhan ng ilang netizen na naniniwalang makakasama ito sa napapabalitang pagdadalantao ng aktres.

@iamrhainebow021: “Bawal ang coffee kay…”

@belliegabotero: “Milk is good for your baby.”

@thirdyyy123: “You look so swollen but hey! At least you know what’s bad for your baby though. Coffee is the very first one.”

Feeling ng mga fan, pasaway na buntis si Janella, kaya pinaalalahanan nila ito.

Anyway, marami naman ang humanga sa ganda ng aktres ngayon kahit tumaba ang mukha nito. Kasalukuyang nasa United Kingdom si Janella kasama ang dyowang si Markus Paterson at ina na si Jenine Desiderio.

Sunshine paborito ng Dos

Sunud-sunod ang mga seryeng ginagawa ng ABS-CBN ngayon. Ipinasilip ni Sunshine Cruz ang seryeng kasama siya na tampok din sina Barbie Imperial, Kiko Estrada, Tony Labrusca, Heaven Peralejo, Michelle Vito, ang Bagong Umaga.

Masuwerte si Sunshine dahil hindi inabot ng maraming buwan ang pamamahinga niya nang magwakas sa ere ang “Love Thy Woman”.

Paborito siya ng Channel 2 na bigyan ng work, ha!

***

Litson ni Marvin pinagkaguluhan

Umabot na sa punto ng kanyang cooking skills si Marvin Agustin kung saan nagawa na niyang maglitson ng baboy.

Mula sa pagbi-bake ng cake, ensaymada at cookies, nagtangka na ring maglitson sa oven ang aktor.

Mapapanood sa Instagram ni Marvin ang proseso ng paglilitson niya sa piglet o tinatawag na cochinillo. Sa una niyang Instagram video, ipinakita ni Marvin ang pagsalang niya sa fresh baby pig sa oven. Sa ikalawang video ay ang paghango niya sa lechon.

Base sa taste test ni Marvin, malinamnan at malambot ang litson. Malutong din ang balat nito.

Ngayon ay may mga advance order na kay Marvin para sa kanyang cochinillo. Agad ngang nagkagulo ang mga kaibigan ni Marvin sa pag-order ng lechon.

The post Sey ng mga fan: Janella pasaway na buntis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *