Sey mo Piolo? Inigo Pascual binibili ng P2M

Mabait din talaga ang anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual, ha! Na kahit hindi man siksik-liglig ang trabaho niya ngayon, gumawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

The post Sey mo Piolo? Inigo Pascual binibili ng P2M first appeared on Abante.

sey mo piolo inigo pascual binibili ng p2m - Sey mo Piolo? Inigo Pascual binibili ng P2M
Inigo Pascual - Sey mo Piolo? Inigo Pascual binibili ng P2M

Mabait din talaga ang anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual, ha! Na kahit hindi man siksik-liglig ang trabaho niya ngayon, gumawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Nitong Sabado ng gabi ay nagbenta siya ng mga painting niya. Siya mismo ang nagpinta ng mga `yon, at may isa nga roon na parang siya mismo ang modelo, base sa itsura ng buhok at korte ng mukha.

Sa pamamagitan ng Instagram live ay nagpa-bid siya, at sa simula ay may gustong bumili ng P5K sa simpleng painting na `yon. Tila hindi makapaniwala si Inigo na may mga tao na gustong bilhin ang kanyang obra sa ganung halaga.

Pero, siyempre mga ilang minuto pa ay tumaas na ang bid. May nagpresyo nan g P10K, at may P20K. Hindi lang ako sure kung sino sa kanila ang legit talaga, dahil siyempre komento lang `yon sa IG live.

Anyway, hindi ko na rin hinintay kung hanggang magkano inabot ang bentahan, at kung ilang painting ang nabenta.

Pero, ang nakakaloka kasi, may mga sumisingit pa rin na ‘manloloko’ na gustong bilhin ang painting sa halagang P2M, pero dapat ay kasama si Inigo.

“Baliw!” natatawang reaksiyon lang ni Inigo sa mga naghahangad, nagnanasa sa kanya na bilhin siya ng P2M.

Well… (Dondon Sermino)

The post Sey mo Piolo? Inigo Pascual binibili ng P2M first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *