Sey mo Pia? Catriona hurado sa Miss U Colombia

Ang bongga lang talaga ni Catriona Gray, Miss Universe 2018.

The post Sey mo Pia? Catriona hurado sa Miss U Colombia first appeared on Abante.

sey mo pia catriona hurado sa miss u colombia - Sey mo Pia? Catriona hurado sa Miss U Colombia
abante catriona 2 - Sey mo Pia? Catriona hurado sa Miss U Colombia

Ang bongga lang talaga ni Catriona Gray, Miss Universe 2018.

Imagine, habang nagkakagulo ang mga fan ng dalawang kampo dito sa Miss Universe Philippines, kampo ng pabor sa pagkapanalo ni Rabiya Mateo, at kampo siyempre ng mga hindi pabor, heto nga si Catriona, patuloy na nagbibigay karangalan sa Pilipinas.

Anyway, kahit halos dalawang taon na mula noong bumaba sa trono si Catriona, at ipinasa nga kay Miss South Africa Zozibini Tunzi, Miss Universe 2019, heto nga at si Catriona Gray pa rin ang paboritong kunin bilang hurado sa mga pageant sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ini-announce nga ni Catriona na pupunta siya sa Colombia para maging hurado sa Miss Universe Colombia.

“Hola, Colombia!! So excited to announce I’ll be traveling to Colombia next month for the first time to be an official judge for Miss Universe Colombia 2020 @missuniversecolombiaorg and also to work with @smiletrain as their Global Ambassador. Stay tuned for updates!” say ni Catriona sa pagkaganda-gandang mga photo niya na pinagtulungang buuin nina @charismalico Glam @jellyeugenio @hairbybrentsales Nails @mimsqiu Styled by @danaevernisse Set Design @arendale.

At ang bongga pa rin na welcome na welcome si Catriona sa mga taga-Colombia.

missuniversecolombia_: “Welcome ro Colombia Queen!!!! I can’t wait for see you here!”

joselguez12: “I look forward to seeing you soon in my country and can’t wait for that to finally happen. OMG so excited!”

kalleianna: “Can’t wait for you to grace Colombia my queen.”

K (@kalleianna) • Instagram photos and videos
104 Followers, 189 Following, 32 Posts – See Instagram photos and videos from K (@kalleianna)

Anyway, markado nga ang Colombia sa mga Pinoy, at ganun din naman ang mga Pinoy sa mga taga-Colombia, dahil nga sa nangyari noong 2015 sa pagitan nina Ariadna Gutierrez (Miss Universe Colombia 2015), at Pia Wurtzbach (Miss Universe Philippines 2015 at naging Miss Universe 2015 nga).

Well… (Dondon Sermino)

The post Sey mo Pia? Catriona hurado sa Miss U Colombia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *