Sey mo Kuya Wil: Meryll inilantad anak kay Joem

Kung ang South Korea ay may pasabog palagi ng New Year’s Day sa mga nabubuking na showbiz couple, hindi rin naman nagpapahuli ang Pilipinas.

The post Sey mo Kuya Wil: Meryll inilantad anak kay Joem first appeared on Abante.

sey mo kuya wil meryll inilantad anak kay joem - Sey mo Kuya Wil: Meryll inilantad anak kay Joem
Willie Revellame - Sey mo Kuya Wil: Meryll inilantad anak kay Joem

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 3 300x180 - Sey mo Kuya Wil: Meryll inilantad anak kay JoemKung ang South Korea ay may pasabog palagi ng New Year’s Day sa mga nabubuking na showbiz couple, hindi rin naman nagpapahuli ang Pilipinas.

Sa Pilipinas nga lang, mismong mga artista na ang nagri-reveal ng kanilang relasyon. Tulad na lang nina Meryll Soriano at Joem Bascon.

Bukod sa nagkabalikan ang dalawa, heto’t may baby na. So, obviously, pandemic baby rin ito na kung titingnan ang kargang baby ni Meryll, pwedeng sabihin na nasa 1 month old ito.

Dating magkarelasyon sina Meryll at Joem, bago ang relasyon ng huli sa vlogger na si Crisha Uy. Engaged na sina Joem at Crisha pero December 2019, biglang bumulaga ang balitang break na sila. Iyak ng iyak si Crisha sa YouTube vlog nito.

Pareho nilang sinasabi noon na walang third party. Pero ngayong ni-reveal ni Meryll na may bagong panganak itong baby at obviously, si Joem ang ama, madali para sa netizen ang magbilang ng buwan. Kabilang na ang muling pagsasama nina Meryl at Joem sa mga proyekto noong 2019.

Nag-overlap nga ba?

O, baka naman na-realized talaga ni Joem na after ng walong taong relasyon nila ni Crisha, it’s still Meryll after all at nakipag-break muna siya sa supposedly fiancee na niya bago dinugtungan ang dati nilang relasyon ni Meryll.

Aliw lang ang mga comment ng mga netizen. Nandiyang, “Iba talaga kapag anak ni Kuya Wil!” “Bigyan ng jacket ‘yan (Joem)” at nandiyan din na, “kawawa naman yung vlogger, baka umiyak muli.”

Pero marami rin naman ang nagsasabi na baka kasi sina Joem at Meryll talaga ang para sa isa’t isa.

***

Janine inaabangan sa Kapamilya channel

Maggu-goodbye na nga talaga si Janine Gutierrez bilang isang Kapuso. Mukhang mutual decision naman ng network at ng management ni Janine dahil sa balitang hindi na rin ni-renew ng GMA-7 ang kontrata ng actress.

Malakas ang balitang sa pag-alis ni Janine sa GMA, lilipat siya sa bakuran ng Kapamilya network. Ito ay sa kabila ng wala pa rin talagang prangkisa ang ABS-CBN.

Nababasa namin ang mga comment ng mga netizen, mukhang matagal na rin na wini-wish ng mga Kapamilya fan na maging isang Kapamilya ang girlfriend ni Rayver Cruz.

Pero mukhang ang pinaka-sure sa lahat, sa sunod-sunod na pagkapanalo ni Janine ng acting award sa movies, tila more on movies, particularly indie films ang isa sa focus nito ngayon.

Heto nga at nag-post na ang kanyang manager na si Leo Dominguez ng bagong pelikula ni Janine ngayong 2021. Base sa post, nandoon din ang picture nina Enzo Pineda at Pinky Amador.

Sa caption ni Leo, pwedeng pang-award na naman ni Janine ang bagong movie na gagawin with Direk Auraeus Solito as the director. Aniya, “Soon! #janinegutierrez From award winning Filmmaker #AuraeusSolito.

The post Sey mo Kuya Wil: Meryll inilantad anak kay Joem first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *