Sey mo JK? Maureen umarte sa New Zealand

Pinasok na rin ng dyowa ni JK Labajo na si Maureen Wroblewitz ang akting. Katunayan, 2019 pa pala ay nagsyuting na siya ng pelikulang Runaway, at sa New Zealand pa raw, ha!

The post Sey mo JK? Maureen umarte sa New Zealand first appeared on Abante.

sey mo jk maureen umarte sa new zealand - Sey mo JK? Maureen umarte sa New Zealand
wroblewitz - Sey mo JK? Maureen umarte sa New Zealand

Pinasok na rin ng dyowa ni JK Labajo na si Maureen Wroblewitz ang akting. Katunayan, 2019 pa pala ay nagsyuting na siya ng pelikulang Runaway, at sa New Zealand pa raw, ha!

“I’ve always wanted to do acting,” sabi ni Maureen sa zoom presscon ng Upstream at GMovies partnership, na kung saan ay mapapanood na nga ang mga Pinoy movies sa bagong streaming platform na ito.

Noon pa raw ay passion na niya ang pag-arte. Nagkataon daw na sa modeling siya napunta.

At wala naman daw pinagkaiba ang acting at modeling.

Sa modeling daw ay kailangan mo ring mag-transform, depende sa karakter na ibibigay sa iyong damit at utos na emosyon ng photographer.

Sa modeling, tulad ng acting, kailangan daw nilang sumigaw, sumimangot, tumawa, o magbaliw-baliwan.

Well, sa ngayon ay mas gusto niyang maging aktres, kesa modelo. At si Leonardo DiCaprio ang bet niyang Hollywood actor.

Mapapaood nga pala ang Runaway sa Upstream sa 2021. (Dondon Sermino)

The post Sey mo JK? Maureen umarte sa New Zealand first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *