Sey mo Gerald? Bea maligaya na sa piling ni Walter

Madalas na ngang nakikita ang mga ngiti sa labi ni Bea Alonzo. Aktibo na nga siya sa Instagram, at palaging masaya na nga ang mga story niya.

sey mo gerald bea maligaya na sa piling ni walter - Sey mo Gerald? Bea maligaya na sa piling ni Walter
gerald 3 - Sey mo Gerald? Bea maligaya na sa piling ni Walter

Madalas na ngang nakikita ang mga ngiti sa labi ni Bea Alonzo. Aktibo na nga siya sa Instagram, at palaging masaya na nga ang mga story niya.

At ang maganda, may nagpapaligaya na sa kanya ulit ngayon, na ang pangalan ay Walter White. Ang bongga nga nito, ­dahil siya ang source of happiness ni Bea, lalo na kapag gabi.

Si Walter ang madalas kayakap ng mahusay na aktres sa kanyang pagtulog.

“­After work, showered and now cuddling with this cutie,” sabi pa ni Bea.

“What would I do without you? Walter White,” dugtong na chika pa ni Bea.

Well, si Walter ay ang alagang dog ni Bea na pagkaputi-puti, at pagkaganda-ganda, ha! Hindi lang ako sure kung sino ang nagbigay kay Bea ng super gandang dog na ito.

Sa latest IG story ni Bea, heto naman ang post niya;

“And when everything seems so ­hopeless, just take it a day at a time. And if one day seems too much, just take it an hour at a time. And if an hour is too much, just take It a minute at time.”
Well…

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *