Sey mo Erwan? Anne kinalmot, sinugatan ng kasama sa bahay

Nagtamo ng maraming sugat o kalmot ang aktres/host na si Anne Curtis dahil sa kanyang bagong alagang pusa.

The post Sey mo Erwan? Anne kinalmot, sinugatan ng kasama sa bahay appeared first on Abante News Online.

sey mo erwan anne kinalmot sinugatan ng kasama sa bahay - Sey mo Erwan? Anne kinalmot, sinugatan ng kasama sa bahay
Untitled 4 30 - Sey mo Erwan? Anne kinalmot, sinugatan ng kasama sa bahay

Nagtamo ng maraming sugat o kalmot ang aktres/host na si Anne Curtis dahil sa kanyang bagong alagang pusa.

Sa pamamagitan ng Instagram, ipinakita niya sa kanyang mga fan ang mga natamo niyang kalmot na dulot ng kanyang makulit daw na pusa.

“Struggle of having a new kulit kitten. Ang sakit!” sabi pa ni Anne sa caption ng video.

Humingi pa ng paumanhin si Anne kay Direk John Paul Laxamana bilang direktor ng pelikulang binubuo nila for this year kasama si Marco Gumabao na pinamagatang ‘Just A Stranger’.

Bawi pa ni Anne, kahit mayroon siyang mga galos, kalmot ay hindi siya aatras sa trabaho nila nina Direk JP Laxamana.

Makikita rin sa mga sumunod pang entry ng aktres sa Instagram story na tila balewala ang mga kalmot na mayroon siya dahil game na game pa rin siya sa kanyang intense work out kasama ang kanyang in­structor na si Arnold Aninion. (Athena Yap)

The post Sey mo Erwan? Anne kinalmot, sinugatan ng kasama sa bahay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *