Sey mo Ate Vi? Luis manyak — Jessy

Kaaliw ang interview na inilabas ng Regal Films para sa promo ng “Stranded” na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde. Eh kasi naman, bongga ang rebelasyon ni Jessy sa tingin niya noon kay Luis ­Manzano.

The post Sey mo Ate Vi? Luis manyak — Jessy appeared first on Abante News Online.

sey mo ate vi luis manyak jessy - Sey mo Ate Vi? Luis manyak — Jessy
Abante 2019 Jessy - Sey mo Ate Vi? Luis manyak — Jessy

Kaaliw ang interview na inilabas ng Regal Films para sa promo ng “Stranded” na pinagbibidahan nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde. Eh kasi naman, bongga ang rebelasyon ni Jessy sa tingin niya noon kay Luis ­Manzano.

Tinanong nga sina Jessy at Arjo kung paano nagsimula ang mga relasyon nila, na kung dumaan ba sila sa mahabang ligawan portion, o tipong naging magkaibigan muna sila bago nila naging dyowa ang mga karelasyon nila ngayon.

Si Jessy ay dyowa nga si Luis nga­yon. At si Arjo ay ‘exclusively dating’ naman kay Maine Mendoza ngayon.

“Ako dati ang tingin ko sa kanya Kuyang Manyak!” sabi ni Jessy.

Kaloka, ‘di ba? Manyakis pala ang tingin ni Jessy kay Luis noon. At Kuya pa talaga, ha! Kung ano man ang meaning noon, si Jessy na lang ang nakakaalam. Ano kaya ang sey ni Ate Vi?

Pero, hirit nga ni Jessy:

“‘Pag nagkikita kasi kami noon, kahit Kuyang Manyak ang tingin ko sa kanya, parang kumportable kasi ako sa kanya, na ‘pag meron akong pinagdadaanan, nasasabi ko agad sa kanya. Ganu’n din siya sa akin.

“Gaya nga ng sinasabi ko, wala kasi akong masyadong kaibigan sa showbiz. At isa siya roon. Na kapag nagkikita kami noon, lalo na kapag may mga malalim na pinagdadaanan, comfortable kami na sabihin sa isa’t isa kung ano man ‘yon,” say ni Jessy.

Anyway, marami nga ang pumupuri at nai-inspire sa vlog ni Jessy ngayon, dahil marami nga raw silang natututunan.

arlimendoza, “Ang ganda nyo po mam. And na inspired po ako sa vlog nyo ng ‘tinolang manok’ … stay positive po.”

theonlyesmhie, “I’m beggining to like you since ur ‘Tinola’ vlog Just stay humble, true and honest. No one can take away that from u.”

msyenwatanabe, “I really love ms @senorita_jessy di ko alam bat maraming galit or baka naiingit? Ay basta…”
Well… (Dondon Sermino)

The post Sey mo Ate Vi? Luis manyak — Jessy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *