Sexy star lumobo ang katawan

Alam mo, Dondon, nakaka-relate ako sa dating sexy star na ito na ilang beses na ring nagbalak na magbalik sa showbiz.

The post Sexy star lumobo ang katawan appeared first on Abante News Online.

sexy star lumobo ang katawan - Sexy star lumobo ang katawan
Abante Sexy Acrtress - Sexy star lumobo ang katawan

abante anything goes jun lalin 336x224 - Sexy star lumobo ang katawanAlam mo, Dondon, nakaka-relate ako sa dating sexy star na ito na ilang beses na ring nagbalak na magbalik sa showbiz.

Medyo lumaki kasi si dating sexy star at gusto sana niya na kapag nagbalik na siya sa pag-arte ay lumiit muna siya.

Mukhang determinado naman siya sa pagda-diet at exercise. Actually, ma-laki na nga ang ipinayat niya nang una siyang umuwi ng bansa mula sa lugar kung saan based na siya ng napakatagal na panahon.

Successful na nga siya sa pagpapapayat, pero umuwi muna siya sa kanilang probinsya at napagana sa pagkain dahil na-miss niya ang pagkain sa lugar nila, kaya ang ending, lumaki na naman siya at naudlot na nga ang pagbabalik sana niya sa pag-arte.

Ngayon, nagpapapayat na naman si dating sexy star at sana nga, huwag na raw siyang mapakain ulit pagbalik niya sa bansa para makapag-comeback na siya.

In fairness kay dating sexy star, pretty pa rin siya hanggang ngayon at noong nag-aartista pa siya ay magaling talaga siyang umarte.

At mabait din si da-ting sexy star at ang galing niyang makisama noong active pa siya sa showbiz, kaya naman marami ta- laga ang gustong tumulong sa kanya para makapag-comeback pa siya!

Kim eeksena sa premiere night ng movie ni Xian

Sa August 7 ng 6:15PM sa CCP main theater ang gala premiere ng “Tabon” directorial debut ni Xian Lim sa Cine-malaya.

Pinaghahandaan na ng KimXi fans nila ni Kim Chiu ang event na ‘yon.
Sabi, a-attend daw si Kim sa event na ‘yon para suportahan ang kanyang boyfriend na siya ring leading man niya sa “Love Thy Woman” ng ABS-CBN.

Wish nga pala ng KimXi fans na in the future ay si Kim naman ang idirehe ni Xian.

Well…

***

Pops kumportable sa harutan kay Martin

As I write this, kadarating lang ng flight ni Pops Fernandez sa Los Angeles, California.

Ang ex-husband naman niya na si Martin Nievera na makakasama niya sa US tour ng “Two-gether Again” ay nauna na roon.

Actually, nakita ko na nga ang video na namamasyal si Martin sa Disneyland kasama ang bunsong anak na si Santino.

Kasama nila sa pamamasyal si Anj del Rosario na girlfriend ni Martin.
Marami nga palang promo stint sa Amerika sina Pops at Martin, kaya magi-ging busy na sila, plus may iho-host din silang beauty pageant on Sa-turday at kasama rin sila sa “ASAP” Bay Area on August 3 (sa San Jose, California).

Before nga pala sila umalis ng Philippines ay nag-shoot sila ng promo videos ng “Two-gether Again” at sobrang saya no’n dahil very comfortable ang mag-ex sa kanilang pagbibiruan.

Actually, ang sayang makita na magkasundo ang mag-ex.

Komento nga ng iba, ok lang na nauwi sa wala ang relasyon nina Pops at Martin bilang mag-asawa dahil ang ending naman ay para silang mag-BFF, huh!

Agree?!

TJ Manotoc news bureau chief na sa California

Kaya pala hindi ko na nakikita sa ABS-CBN compound si TJ Manotoc dahil based na siya ngayon sa Daly City, California kung nasaan ang TFC (The Filipino Channel) studios/offices.

News bureau chief na sa lugar na ‘yon ang half-brother ni Borgy Manotoc.
Bale kasama niya ang mga anak at ang kanyang misis.

Nang makatsikahan ko after ng boxing fight ni Manny Pacquiao against Keith Thurman si TJ, nasabi niya na adjusted na siya roon.

Nang malaman niya na para sa Abante News Online ang interview kong ‘yon ay natuwa siya dahil naging columnist pala siya noon ng Abante, huh!(Jun Lalin)

The post Sexy star lumobo ang katawan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *