Sexy scene ni Kylie aprub kay Jake Cuenca

Matinding paghahanda ang ginagawa ni Kylie Verzosa sa gagawin niyang pelikula, ang Housemaid, na isang erotic film, na unang ginawa sa Korea.

The post Sexy scene ni Kylie aprub kay Jake Cuenca first appeared on Abante.

sexy scene ni kylie aprub kay jake cuenca - Sexy scene ni Kylie aprub kay Jake Cuenca
kylie 1 - Sexy scene ni Kylie aprub kay Jake Cuenca

Matinding paghahanda ang ginagawa ni Kylie Verzosa sa gagawin niyang pelikula, ang Housemaid, na isang erotic film, na unang ginawa sa Korea.

At dahil malaki ang role ni Kylie sa Housemaid na ipoprodyus ng Viva Films, gusto niyang sumabak muna sa workshop, bago tuluyang harapin ang mga makakaeksena niya sa movie.

Well, ang award-winning actress, Cannes best actress na si Jaclyn Jose lang naman ang makakasama niya, kaya dapat lang na ma-pressure siya. Eh, kasama pa sina Albert Martinez, pati na sina Louise delos Reyes, at Alma Moreno, at ididirek ni Direk Roman Perez, Jr.

Sabi ni Kylie, nang i-pitch nga raw sa kanya ang role, medyo kinabahan agad siya, lalo na noong malaman niya na sina Jaclyn, Albert ang makakaeksena niya.

Pero, alam naman daw niya na tutulungan siya ng mga batikang artista sa mga matitinding eksena.

Sa tanong kung maghuhubad ba siya sa pelikula, ang alam daw niya ay may bonggang love scene siya.

Well… (Dondon Sermino)

The post Sexy scene ni Kylie aprub kay Jake Cuenca first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *