Seth Fedelin gandang-ganda kay Andrea Brillantes

Ang lakas ng appeal ng bagets na si Seth Fedelin, ha! Ang ganda nga kasi ng mga mata niya, na sa unang tingin mo pa lang sa kanya, babalik-balikan mo, at tititigan mo talaga ito.

The post Seth Fedelin gandang-ganda kay Andrea Brillantes appeared first on Abante News Online.

seth fedelin gandang ganda kay andrea brillantes - Seth Fedelin gandang-ganda kay Andrea Brillantes
Seth Fedelin - Seth Fedelin gandang-ganda kay Andrea Brillantes

Ang lakas ng appeal ng bagets na si Seth Fedelin, ha! Ang ganda nga kasi ng mga mata niya, na sa unang tingin mo pa lang sa kanya, babalik-balikan mo, at tititigan mo talaga ito.

Anyway, ipinakita na nga ang teaser para sa mga dapat abangan sa “Kadenang Ginto,” at bongga nga ang mga eksena nina Seth at A­ndrea Brillantes (bilang sina Mikoy at Marga).

Sangkatutak na mga kilig moment nga ang dapat abangan sa kanila. Si Mikoy na laking kalye, habang si Andrea na sosyal na sosyal at mayaman.

May isang eksena nga na siguradong mapapatili ang mga fan na nagsi-ship sa kanilang tandem.

“Sa scene kasi, ayaw niyang kumain ng street food. Eh, nagdala ako ng fish ball, tapos pinakain ko siya ng kikiam. Pagkain niya, na-realized ko, sinabi ko sa kanya na, ‘maganda ka pala,’” k­uwento ni Seth.

“Na-realized niya na hindi naman pala ganu’n kaarte si Marga,” sambit ni A­ndrea.

“At saka nagustuhan din ni Marga ang kikiam. So parang na-impressed si Mikoy kay Marga. Siya (Seth) kumain din ng kikiam. Pero off cam, ayaw na ayaw niya ng kikiam. Ako naman favorite ko ang kikiam. Siya diring-diri siya sa kikiam,” sambit naman ni Andrea. (Dondon Sermino)

The post Seth Fedelin gandang-ganda kay Andrea Brillantes appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *