Serye nina Barbie, Tony puno ng intriga

Alam mo, Dondon, type ko ‘yung sinabi ng production head ng “Bagong Umaga” series ng ABS-CBN na si Ms. Rizza Ebriega na ayaw na nilang isipin ‘yung mga nangyaring pagbabago sa kanilang show after nga na tanggalin na lang doon si Julia Barretto (na pumirma kasi ng management contract sa Viva Artists Agency).

The post Serye nina Barbie, Tony puno ng intriga first appeared on Abante.

serye nina barbie tony puno ng intriga - Serye nina Barbie, Tony puno ng intriga
new morning - Serye nina Barbie, Tony puno ng intriga

Jun Lalin Anything Goes 42 2 300x200 - Serye nina Barbie, Tony puno ng intrigaAlam mo, Dondon, type ko ‘yung sinabi ng production head ng “Bagong Umaga” series ng ABS-CBN na si Ms. Rizza Ebriega na ayaw na nilang isipin ‘yung mga nangyaring pagbabago sa kanilang show after nga na tanggalin na lang doon si Julia Barretto (na pumirma kasi ng management contract sa Viva Artists Agency).

Ang importante nga ay naging maayos ang lahat sa kanilang first lock-in taping para sa bagong afternoon series ng Kapamilya network na magsisimula sa October 26.

Mukhang ayaw rin naman ni Mamu Rizza (paboritong tawag sa ABS-CBN executive) na mas mapag-usapan pa ang mga intriga dahil gusto nilang mas mai-promote ang “Bagong Umaga” dahil may maganda silang series at hindi dahil tambak ang intriga bago sila nagsimula.

Marahil kaya nga nila naisipang gawing “Bagong Umaga” na lang ang title nito ay dahil maraming mga pagbabagong naganap nga sa series na ‘yon na ang unang title dapat ay “Cara y Cruz”.

Naku, Dondon, feel na feel ko na ayaw ni Mamu Rizza na puro intriga ang pag-usapan sa “Bagong Umaga” kaya hindi ko na siya inurirat pa kung bakit hindi na lang “Bagong Hapon” ang ginawa nilang title dahil afternoon series naman ‘yon. Joke!

Actually, may isang nagsabi sa akin na tanungin ko kung bakit nawala rin daw sa series na ‘yon ang reel and real life sweethearts na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na sinasabing nasa original cast din.

Anyway, nakakabilib na patuloy ang paggawa ng new shows ng Kapamilya Network kahit wala na nga silang sariling free channel at lumalabas na content provider o major blocktimer lang sila ng A2Z Channel 11, ‘noh?!

Dahil sa lock-in: Ruffa ‘di nakakasama sina Lorin, Venice

Kahapon ang last shooting day ni Ruffa Gutierrez for “House Arrest of Us” kasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Bale second lock-in shooting nila ‘yon.

Sa Wednesday, mag-COVID 19 swab testing na naman si Ruffa at lock-in na rin para sa isang series naman na sisimulan niya na hindi pa niya puwedeng ikuwento.

Sabi ni Ruffa, sa panahon ngayon ng pandemic, thankful siya na sunod-sunod pa rin ang kanyang mga proyekto. Thankful nga si Ruffa sa magandang feedback sa “Love Thy Woman” afternoon series ng ABS-CBN at nagtuloy-tuloy ang suwerte niya after that.

Aminado nga pala si Ruffa na being away from work ay mas nami-miss niya ang mga anak na sina Lorin at Venice, kaya sobra raw niyang tsini-cherish ang mga pagkakataon na nasa bahay lang sila at wala siyang work.

In fairness to Lorin and Venice naman, kapag sila lang ang magkakasama sa bahay, sobrang tine-take advantage rin naman ng dalawang teenagers niya ‘yung pagba-bonding nila.

Kahit naman kasi malalaki na sina Lorin and Venice ay sobrang sweet pa rin ng mga ito sa kanilang nanay, huh!

Kapag nakakasama ko nga pala ang dalawang anak ni Ruffa sa family bonding nila sa White Plains house ng kanilang lolo’t lola na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, palagi kong ikinukuwento sa dalawa ‘yung mga panahong baby pa sila.

Palagi kong sinasabi kay Lorin na kasama ako nina Tito Eddie at Tita Annabelle nang finally ay umuwi sila ng kanyang nanay sa bahay nila sa Istanbul, Turkey at madalas ko siyang kargahin when she was just a baby.

Si Venice naman, ikinukuwento ko sa kanya ‘yung gabing akala namin ay nagda-drama lang si Ruffa na manganganak na siya, kaya ako ang nag-drive sa kanyang nanay papunta sa Cedar Sinai Medical Center kung saan ipinanganak nga ng madaling araw ng September 11, 2004 ang bunso ni Ruffa.

The post Serye nina Barbie, Tony puno ng intriga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *