Sen. Pacquiao ‘di umabot sa SONA ni Digong

Kahapon ay tinawagan ako ng source ko na nakadikit sa ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao para ibalitang paalis na ng Las Vegas, Nevada ang boxer/senator.

The post Sen. Pacquiao ‘di umabot sa SONA ni Digong appeared first on Abante News Online.

sen pacquiao di umabot sa sona ni digong - Sen. Pacquiao ‘di umabot sa SONA ni Digong
abante Pacquiao - Sen. Pacquiao ‘di umabot sa SONA ni Digong

abante anything goes jun lalin 336x224 - Sen. Pacquiao ‘di umabot sa SONA ni DigongKahapon ay tinawagan ako ng source ko na nakadikit sa ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao para ibalitang paalis na ng Las Vegas, Nevada ang boxer/senator.

“Tuloy na ang alis ni Manny mamayang 6:00PM (9:0OAM sa Philippines).
Malamang 11:00PM Monday nasa Philippines na siya o kaya 1:00AM ng Tuesday.

“Dadaan pa kasi ng Alaska para mag-refuel,” sabi ng kausap ko at depende nga raw sa itatagal ng refueling ang dating ni Manny ng Philippines.

And yes, private plane nga raw ang sinakyan ni Manny nang makausap ko ulit ang source ko na sobrang lapit sa ating Pambansang Kamao.

Sayang nga lang at hindi na umabot si Manny sa SONA kahapon ni President Rodrigo Duterte.

Dayanara naka-recover na sa sakit

Alam mo, Dondon, puyat-puyatan ako noong Saturday sa Las Vegas dahil after ng boxing fight ni Manny laban kay Keith Thurman (kung saan nanalo siya), nagpahinga lang kami sandali ng friend ko na si Tita Ludivina Leelim-Nacionales at nag-long drive na kami pa-Los Angeles, California.

Sasamahan kasi namin si Ruffa Gutierrez sa pagdya-judge niya sa Miss Philippines USA sa Alex Theater sa Glendale.

Eh, 6:30AM ang flight ni Ruffa pa-L.A., kaya better na maaga na rin kaming makabalik para walang stress.

Panay ang paalala ko kay Ruffa na pumunta na ng airport before 5:00AM pa lang at nagulat ako na nandoroon na pala siya. Mukhang natakot siyang ma-late sa kanyang flight lalo na at napakaraming paalis ng Las Vegas.

Anyway, last Sunday nga ay sinamahan ko siya sa nasabing beauty pa-geant na judges din sina Dayanara Torres at Ai Ai delas Alas.

Pagdating namin sa venue, nandoroon na rin si Jonas Gaffud na judge rin at dumating na rin si Dayanara.

Sa backstage, nakatsikahan ko si Dayanara at ipinaalala ko nga sa kanya na ilang beses ko na siyang na-interview noon sa Philippines.

Pati ang “Hataw Na!” movie nila ni Gary Valenciano ay napagtsikahan namin.

In fairness to Da-yanara, kahit may “bouncer” na nagbabantay sa tabi niya at tila ayaw siyang ipatsika sa akin, siya mismo ‘yung tsika nang tsika, kaya tinanong ko siya ng, “How are you?” na “I’m good!” ang sagot niya.

Sa hitsura naman ni Dayanara ay mukhang healthy siya at malamang ay okey na nga siya sa sinasabing skin cancer niya.

Mukhang ang saya-saya rin ni Dayanara na tsumika-tsika rin kay Ruffa.
Nabanggit ko nga pala kay Dayanara na madalas ko siyang nakakatsikahan noon sa “ASAP” at tinawagan ko pa si Pops Fernandez para magkatsikahan sila.

Padating din kasi ng L.A. si Pops para sa concert series nila ni Martin Nievera, ang “Two-gether Again” at sa tsikahan ng dalawa ay narinig ko na magkikita sila pagdating ni Pops.

Type ko nga pala ang ugali ni Dayanara na kahit matagal na wala na sa Philippines ay matsika pa rin sa mga Pinoy!

As I write this, nagsimula na ang nasabing beauty pageant and waiting ako na matapos ‘yon para ma-interview ko si Dayanara for my “Anything Goes” online show sa Facebook page ng Abante News Online.

The post Sen. Pacquiao ‘di umabot sa SONA ni Digong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *