Semi-nude photo ni Jeric inilantad sa mall

Nagulantang ang mga fan ni Jeric Gonzales nang biglang mag-post ang isang fan mula sa isang mall sa McKinley kung saan nakita ang Bench poster ni Jeric na naka-underwear lang siya at pinakita ang abs niya.

semi nude photo ni jeric inilantad sa mall - Semi-nude photo ni Jeric inilantad sa mall
jeric 2 - Semi-nude photo ni Jeric inilantad sa mall

Joe Barrameda Talbog 16 336x224 - Semi-nude photo ni Jeric inilantad sa mallNagulantang ang mga fan ni Jeric Gonzales nang biglang mag-post ang isang fan mula sa isang mall sa McKinley kung saan nakita ang Bench poster ni Jeric na naka-underwear lang siya at pinakita ang abs niya.

Hindi namin sukat akalain na may nalabas na palang ganu’n habang naghihintay kami ng poster niya sa Bench Body social media. Kaya bumuhos ang mga positive comment ng mga fan ni Jeric na malamang sumugod du’n sa mall na kinalalagyan ng poster na iyon.

Samantala, hindi namin maipaliwanag ang kasiyahan ni Jeric nang tumambad sa kanya ang napakalaking solo billboard niya sa kahabaan ng Katipunan Avenue sa Quezon City. Sobra ang pasasalamat niya kay Ben Chan na pinagkatiwalaan agad siya ng isang solo billboard bilang newcomer sa pamilya.

Timing naman sa kanyang bagong teleserye na “Magkaagaw” kung saan siya ang lead actor opposite Klea Pineda. Kaya masaya ang alaga namin sa sunod-sunod na blessing na dumarating sa kanya.

Pangaral namin sa kanya na huwag magbabago at laging magpakumbaba at alagaan ang image niya.

Sa “Magkaagaw” ay nagmarka sa amin ang napakagandang niyang dialogue kay Klea nang yayain niya itong magpakasal.

“Alam ko hindi kasing ganda ng speech mo itong sasabihin ko, pero lahat ito galing sa puso ko. Alam ko sinasabi nila mga bata pa tayo pero ayaw ko na sayangin ang panahon, ayaw ko na umuwi ng malungkot pagkatapos kita ihatid sa inyo kasi mag-isa na naman ako, ayaw ko na mapuyat sa gabi kakaisip sayo kasi wala ka sa tabi ko, ayaw ko mangarap mag-isa Clarisse, will you ever be mine forever? Hindi kaba mauumay makasama ako sa pagkain, matulog, gumising sa umaga na kasama ako nangangarap. Will you marry me?”

‘Di ba, kabog?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *