Selena, Ariana agawan sa Blackpink

Simula pa lang na i-announce ng Blackpink ang schedule ng release ng kanilang bagong single, then their new album, nagti-trending na ito.

selena ariana agawan sa blackpink - Selena, Ariana agawan sa Blackpink
tonite ariana - Selena, Ariana agawan sa Blackpink

Rose Garcia Annyeong 3 1 300x200 - Selena, Ariana agawan sa BlackpinkSimula pa lang na i-announce ng Blackpink ang schedule ng release ng kanilang bagong single, then their new album, nagti-trending na ito.

Iba ang anticipation ng mga “Blinks” (tawag sa mga fan ng Blackpink) sa magiging bagong single ng grupo.

Ngayong August na ang release ng bagong single ng Blackpink at sa October 2 naman ang first full album.

At dahil may lumabas na rin na balitang magkakaroon ng collaboration ang grupo sa ibang international artist, ang pangalan ni Selena Gomez ang maingay.

Inilabas ng My Daily Report noong July 28 na si ang ka-collab ng grupo. Pero sa halip na kumpirmahin o itanggi ito ng YG Entertainment, ang agency ng Blackpink, mas binitin pa ang mga fan.

Ayon sa YG Entertainment, “Please wait for the official announcement later.”

Karaniwan na kapag may ganyang naglalabasang balita, mas malaki ang porsiyentong totoo nga.

Kung pagbabasehan ang mga comment ng netizens, ang daming na-excite lalo sa collab na ito with Blackpink and Selena.

Although, lumalabas din ang pangalan ni Ariana Grande. Either Selena o Ariana is a welcome collab para sa mga fan.

Sabi ng mga comment, “I hope so! This will be so awesome!”

“I felt this on spiritual level!”

“Either Selena and Ariana, They will break the internet!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *