SEAG: Rasing, iba pang indoor hockey player bubuwelta

HANGAD ng national women’s indoor hockey team na makabalikwas kaya todo ensayo pa rin isang buwan na lang bago sumabak sa 30th Southeast Asian Games 2019.

seag rasing iba pang indoor hockey player bubuwelta - SEAG: Rasing, iba pang indoor hockey player bubuwelta
indoor hockey - SEAG: Rasing, iba pang indoor hockey player bubuwelta

HANGAD ng national women’s indoor hockey team na makabalikwas kaya todo ensayo pa rin isang buwan na lang bago sumabak sa 30th Southeast Asian Games 2019.

Makikipagpukpukan ang PH squad sa limang bansa na HRH Tuanku Zara International Indoor Women’s Cup sa Ipoh, Malaysia.

Galing sa masaklap na kampanya ang mga Pinay, ‘di nakatikim ng panalo sa Hockey Asia Cup sa Thailand apat na buwan na ang nakalipas upang mapag-iwanan sa hulihan ng standings, 9th place.

Pansamantalang kakaalimutan ng pambansang koponan ang pag-aalala sa kanilang mga yumao na mahal sa buhay upang bigyan ng importansiya ang nalalapit na SEA Games at makatulong sa pagnanais ng bansa na tanghalin muling pangkalahatang kampeon sa kada dalawang taong paligsahan.

Bubuo sa women’s hockey squad sina Team Captain Denizelle Rasing, Yarra Sebastian, Morticia Castro, Paula Dumaplin, Yvonne Tasis, Jevilyn Obasa, Kyle Delos Santos, Rafaela Landicho, Andrea Paru­ngao, Maria Paulyn Castillo, Angela Laraya at Jaylene Lumbo. Ang coach ay si Leovino Rivera.
Habang isinusulat ito ay kasagupa ng koponan ang Uzbekistan sa preliminary round bago kalabanin ang world #33 at SEA Games ­rival Malaysia mamaya. Ikatlong haharapin nito ang Nepal sunod ang ­Chinese Taipei bukas.

Ang dalawang ­mangungunang koponan ang mga uusad sa ­crossover tungo sa finals sa Linggo. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *