Sarah unforgettable ang kabaitan, kagandahan

Ang pangarap, panaginip lang noon, naisakatuparan na ngayon.

sarah unforgettable ang kabaitan kagandahan - Sarah unforgettable ang kabaitan, kagandahan
sarah geronimo 1 - Sarah unforgettable ang kabaitan, kagandahan

Purest of the pure ang puso:

Ni Dondon Sermino

Ang pangarap, panaginip lang noon, naisakatuparan na ngayon.

Ganiyan ang eksaktong pakiramdam ni Sarah Geronimo, ang Popstar Royalty at Box-Office Queen.

Matagal na ngang pangarap ni Sarah na makagawa ng pelikula na ang kapareha niya ay isang aso. At ang mag-asawang direktor na sina Jun Lana at Perci Intalan ang nagbigay ng katuparan doon.

Si Direk Jun na una na ngang nakagawa ng pelikula na may karakter na aso, ang “Bwakaw”, na pinagbidahan din ni Eddie Garcia.

At heto nga ngayon, ang “Unforgettable”, na bida si Sarah, at kapareha si Milo, isang Jack Russell Terrier. Si Milo ay sikat sa YouTube dahil sa kanyang mga kamangha-manghang video.

Gaganap si Sarah bilang si Jasmine, na ang goal sa buhay ay madala si Happy (Milo) sa Baguio, na lugar ng kanyang lola. Si Happy nga kasi ay isang blessing sa buhay ni Jasmine. At naniniwala siya na malaki ang magagawa ni Happy para gumaling ang kanyang lola.

At sa kanyang paglalakbay, makakasalamuha, makikilala niya ang iba’t ibang personalidad tulad nina Regine Velasquez, Anne Curtis, Cherie Gil, Tirso Cruz III, Yayo Aguila, Ara Mina, Kim Molina, Meg Imperial at Gina Pareño.

Ang tagline ng “Unforgettable” ay “Iba siyang magmahal.”

“It’s a different role. Very challenging for me,” sabi ni Sarah.

Pero ayon kay Direk Jun, “I know Sarah just won Best Actress. But her performance today is a whole new level of brilliance. #onetakeactress #unforgettableday2.”

Sa presscon ni Sarah ay nakasalamuha namin ang iba’t ibang miyembro ng media, blogger. May isang babae na Jasmine ang name, na hangang-hanga kay Sarah.

Sabi nga niya, napanood niya ang lahat ng pelikula, concert ng idolo niya. At lahat ng album nito ay mayroon siya.

Pagdating kay Sarah, wala raw siyang pinalalampas. Ganu’n niya kamahal ang dalaga.

“She’s too good to be true. She’s everything,” sabi pa ng fan ni Sarah.

At kahit ang mga blogger na nakausap ko, tila kilig na kilig, na heto nga at nabigyan sila ng pagkakataon na maka-one on one ang aktres.

“Willing akong maghintay ng kahit ilang oras, basta para kay Sarah,” sabi pa nila.

Well, sobrang pure nga raw ng puso ni Sarah, unforgettable ang kabaitan, at remarkable ang kahusayan niya.

Natulala, nautal sa harap ni Regine

Sa pelikula rin na ito ay muling natupad ang pangarap ni Sarah na makaeksena si Regine Velasquez. Kuwento ni Sarah, una niyang nakasama si Regine sa pelikulang “Captain Barbell”, ilang taon, dekada na ang nakalipas.

At mula raw noon, pinangarap na ulit niyang makasama ito. Idol na idol nga raw niya ito, hindi lang sa pagkanta, kundi sa pag-arte na rin, at siyempre maging sa kagandahan, kabaitan.

“Eh mas mahaba po ang mga scene namin dito sa movie. At ganu’n pa rin po, natutulala pa rin ako sa kanya. Nai-star struck pa rin talaga ako.

“Kahit madalas ko na siyang nakakasama, like sa ‘ASAP’ sa ABS-CBN, o sa mga event, iba pa rin kapag nagkikita kami. I don’t know, pero bigla na lang akong naninigas, hindi ako makagalaw masyado.

“Pareho pa rin ang feeling na natutulala pa rin ako sa kanya. Hindi nawawala. Sabi ko nga, ang hirap kaeksena ni Miss Reg, dahil hindi ako makaarte,” natatawang chika ni Sarah.

AshMatt wala pang planong pakasal sa 2020

Sa presscon ng “Unforgettable”, hindi nga masyadong napag-usapan si Matteo Guidicelli, dahil na rin sa pakiusap ng mga namamahala sa Viva.

Pero, marami nga ang bumibilib kay Sarah ngayon, dahil sa kitang-kita ang positibong aura niya, kagandahan, na sabi ko nga, iba talaga kapag may nagpapaganda.

“Sana nga po totoo. Hahahaha! Sana tuloy-tuloy lang ang pagganda ko,” kaaliw na sambit niya.

Maganda ka naman talaga. At lalo kang gumanda, dahil ramdam nga ang kaligayahan ng puso mo.

Well, ibang-iba na nga si Sarah ngayon, na ipinaglalaban talaga ang pagmamahal niya kay Matteo. Maraming beses na nga silang nakitang nag-out-of-town, o lumabas ng bansa, na hindi kasama ang mga magulang ng dalaga.

At dahil inaasam ng mga fan na sa simbahan na talaga mauuwi ang lahat, lalo na nga at 31 na rin si Sarah nu’ng July 25, tinukso namin ang dalaga kung may ia-announce ba siya bago matapos ang taon, o sa simula ng taong 2020.

“Ay, wala pa po! Wala pa po! Hahahaha!” simpleng sagot niya.

Meaning, wala pang kasalang magaganap sa 2020, ha!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *