Sarah, Richard rumampa sa Balesin

Alam kong kinakati na ang mga paa ni Annabelle Rama na maglakwatsa dahil sanay nga siya na maaga pa lang ay lumalabas na siya ng bahay, pero ngayon, behaved talaga si Bisaya.

The post Sarah, Richard rumampa sa Balesin first appeared on Abante.

sarah richard rumampa sa balesin - Sarah, Richard rumampa sa Balesin
Gutierrez - Sarah, Richard rumampa sa Balesin

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Sarah, Richard rumampa sa BalesinAlam kong kinakati na ang mga paa ni Annabelle Rama na maglakwatsa dahil sanay nga siya na maaga pa lang ay lumalabas na siya ng bahay, pero ngayon, behaved talaga si Bisaya.

Nasa sala lang siya ng kanilang bahay at nanonood ng TV.

Last Friday, pinapunta nga ako ni Bisaya sa White Plains house nila dahil dalawa lang sila ng mister niyang si Eddie Gutierrez.

Nag-Balesin Island kasi ang mag-asawang Elvis at Alexa Gutierrez, pati ang mga apo nilang sina Aria at Ezra para sa advance birthday celebration ni Sarah Lahbati (kasama rin sina Richard Gutierrez, Zion, Kai at Raymond Gutierrez).

Kapag gabi raw, tutok na tutok si Bisaya sa tatlong teleserye ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel.

Siyempre, inaabangan niya ang “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan ay special guest si Richard at tuloy-tuloy na ‘yon sa “Ang sa Iyo ay Akin” nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Sam Milby at nag-e-end siya sa “Walang Hanggan Paalam” nina Paulo Avelino at Angelica Panganiban.

Annabelle aliw sa away nina Iza, Jodi

Nang dumating ako sa bahay nila, ang “Ang sa Iyo ay Akin” na ang pinapanood ni Bisaya.

Aba, sobra siyang nae-excite sa mga eksena lalo na nga at napagtanto na ng character ni Iza Calzado na may affair ang character ng mister niyang si Sam Milby sa kaibigan niyang si Jodi.

That night, may confrontation na sina Iza at Jodi na nahuli ng una na kasama ni Sam sa restaurant.

Aliw na aliw si Bisaya sa pinapanood. Actually, ‘yun daw ang libangan niya sa bahay.

Thankful nga si Bisaya na may mga bago pa ring palabas ang Kapamilya network na napaglilibangan ng mga katulad niyang senior citizen na bawal lumabas ng bahay.

Anyway, ang pagbabasa rin ng Abante ang isa sa ginagawa ng mag-asawa. Araw-araw pa rin silang may rasyon ng Abante, Dondon (my dear editor).

‘Kaloka lang si Bisaya dahil kapag may blind items na hindi niya mahulaan, call na siya kaagad sa akin para magtanong, as if naman ako ang nagsulat no’n.

Si Tito Eddie naman, nagpasalamat sa akin dahil sa isinulat ko last Wednesday kung saan ay nabanggit niyang kahit isa na siyang senior citizen ay gusto pa rin niyang magtrabaho dahil more than 60 years na nga naman siyang artista, huh!

Sumabak sa syuting: ‘Di ako health risk — Edu

Si Edu Manzano naman, kahit senior citizen na ay sinabing hindi siya health risk at very healthy pa rin, kaya naman last Sunday ay nakapagtrabaho na rin.

Nag-shooting na nga ng “Mamapasano” movie na produced ni Atty. Ferdinand Topacio ang actor/TV host.

Uwian lang naman si Edu that day dahil sa weekend siya kailangang mag-lock-in shooting dahil two days ang mga eksenang kukunan sa kanya sa Kapitolyo ng Pampanga.

All star cast na raw sila sa weekend at ok naman daw ang naging shooting nila noong Sunday.

“Actually, Saturday and Sunday ang shooting namin, pero sina Edu, Ritz (Azul) at Myrtle (Sarrosa), Sunday lang ang shooting.

“Pero next weekend, two days na sila.

“Maraming mga eksenang kailangang kunan kay Edu, pero ok naman dahil sumusunod kami sa health and safety protocols na pinapatupad sa shooting,” sabi ni Atty. Topacio.

Umaasa si Atty. Topacio na wala silang magiging problema sa shooting ng “Mamapasano” movie dahil very cooperative raw ang lahat ng mga artistang kasali doon at alam naman na kailangan talagang sundin lahat ng health and safety protocols dahil ito na nga ang “new normal” dahil sa COVID-19 pandemic!

The post Sarah, Richard rumampa sa Balesin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *