Sarah pinasaya, sinorpresa si Rabiya

Si Sarah Geronimo nga at wala nang iba pa, na iniidolo si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo. Isa nga siyang proud Popster, at ipinagsisigawan niya `yon.

The post Sarah pinasaya, sinorpresa si Rabiya first appeared on Abante.

sarah pinasaya sinorpresa si rabiya - Sarah pinasaya, sinorpresa si Rabiya
rabiya sarah - Sarah pinasaya, sinorpresa si Rabiya

Si Sarah Geronimo nga at wala nang iba pa, na iniidolo si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Isa nga siyang proud Popster, at ipinagsisigawan niya `yon.

Memoryado nga niya ang lahat ng kanta ng misis ni Matteo Guidicelli. Kaya naman, hindi rin binigo ni Sarah si Rabiya.

Isang bonggang-bonggang birthday message ang ipinarating ni Sarah para sa kanyang beauty queen fan.

“To our Miss Universe Philippines 2020, Rabiya Mateo, maligayang-maligayang kaarawan sa’yo.

“Mahihiling ko lang, una sa lahat ay magandang kalusugan, at wisdom sa upcoming event mo na maging successful ang mga ito. At sa big event mo, Miss Universe, you will be representing our country, we believe in you, kahit ano ang mangyari.

“Maraming salamat sa iyong pag-appreciate sa aking musika. Salamat Rabiya. God bless you…” mensahe ni Sarah.

Well, for sure, kilig na kilig ang maligayang-maligaya si Rabiya ngayon, na ang kanyang pinakainiidolo ay nagbigay ng magandang salita sa kanya. (Dondon Sermino)

The post Sarah pinasaya, sinorpresa si Rabiya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *