Sarah ober da bakod sa Kapuso

Malaking pasabog kung sakaling si Sarah Geronimo-Guidicelli ay magiging Kapuso? Parang hindi naman major, major news kung saka-sakaling she wants to continue working for television. (Ayon sa source hindi raw lilipat sa GMA si Sarah-ED).

sarah ober da bakod sa kapuso - Sarah ober da bakod sa Kapuso
tonite sragh - Sarah ober da bakod sa Kapuso

NI: ALWIN IGNACIO

Malaking pasabog kung sakaling si Sarah Geronimo-Guidicelli ay magiging Kapuso? Parang hindi naman major, major news kung saka-sakaling she wants to continue working for television. (Ayon sa source hindi raw lilipat sa GMA si Sarah-ED).

Kung sobrang daming zeroes ang package na diumano ay being offered kay Signiorina Guidicelli ng number one network sa panahong ito, she is worth it of course dahil iba naman talaga ang premium ni Sarah kung ikukumpara sa singing contest winner na ang naging tahanan noon ay ang network sa Kamuning.

She has hordes of Popsters, high profile endorsements at siyempre pa, being a new wife to Signore Matteo adds more estrella sa kanyang karera at hindi pa nagsasawa ang lahat sa kanyang honeymoon misis phase.

Kaya, hindi makatarungang kung papalabasin ng bashers at haters na walang utang na loob ang bagong Mrs. Guidicelli sa kanyang dating network na lost in space na.

Ang bigger announcement, maliban sa umano’y ober da bakod sa GMA 7, eh kung buntis na si Sarah. The arrival of a Guidicelli baby brings lots of cheers and joy, definitely.

Of course, hindi ko ang alam how the Mommy Divine will react to the pregnancy news with open arms. Alam naman natin na iba rin naman talaga ang damdamin ni Mamang Divine pag dating sa status ni Signiorina Guidicelli at hindi rin tayo sure kung ikalulugod niya na siya ay lola na for real.

Kaya whatever is supposedly the big payanig concerning Sarah Geronimo-Guidicelli, super welcome chika at pampa-good vibes talaga para sa mas nakararami.

Sa true lang. with more than 80K plus of Filipinos afflicted with the novel coronavirus, mas masarap sa pakiramdam ang positibong balita, hindi ba naman?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *