Sarah, Matteo nag-iyakan sa concert

Sabi ni Sarah Geronimo sa asawa na si Matteo Guidicelli, “Parang sampung taon na tayong mag-asawa.”

The post Sarah, Matteo nag-iyakan sa concert first appeared on Abante.

sarah matteo nag iyakan sa concert - Sarah, Matteo nag-iyakan sa concert
AshMatt 1 - Sarah, Matteo nag-iyakan sa concert

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Sarah, Matteo nag-iyakan sa concertSabi ni Sarah Geronimo sa asawa na si Matteo Guidicelli, “Parang sampung taon na tayong mag-asawa.”

Dahil daw yun sa lockdown since ikinasal sila before na mag-announce ng pandemic at lockdown. Kaya naman halos anim na buwan na rin na nasa bahay lang sila. Na sabi nga ni Matteo, “sinasabi nga ng iba, extended honeymoon.”

Hanggang ngayon, tila surreal pa rin kay Matteo na everyday na gumigising nga raw siya, katabi na niya si Sarah.

“I just want to thank you also for being you all the time and not faking who you are. Not just for me but for my family and our friends. She always tells me, Love, hindi ako ganyan, hindi ako ganyan.

“But I always trust in you and trust in God that you’re being a stronger woman every single day. And I love you for that because you’re learning every single day. You’re becoming a stronger woman every single day. You’re independent and I’m seeing it every single day. And I will love you for the rest of my life,” litanya nga ni Matteo kay Sarah.

“Thank you for everything, yung mga simpleng bagay lang. Ina-assist mo ko whenever I work from home. Since nag-lockdown, ikaw ang nag-aasikaso ng camera, ilaw, grabe yung effort mo at walang hinihinging kapalit yun everytime you do it. You just do it out of love, not obligation.

“Sobra kong naa-appreciate yun, hindi ko man nasasabi sa ‘yo.”

Naging emosyunal at naiyak na nang sabihin nito na spoiled daw siya kay Matteo. Baligtad daw kasi dahil si Matteo raw ang mas maasikaso.

Pero kinontra ni Matteo ang sinabi ng Misis niya at ‘wag daw nitong sasabihin na hindi siya naasikaso dahil hindi raw totoo yun. Sey pa ni Matteo, kapag tinatanong daw siya how’s marriage life, ang sagot niya talaga, “I’m blessed to marry the best wife.”

Naiyak din si Matteo habang pinasasalamatan ang pamilya niya at si Sarah.

First time na napanood na magkasamang nag-perform (bukod sa unang tvc nila) ang naganap na Facebook Live show nila for “Love Landers” ng Landers Superstore.

Matinding kilig ang inihatid ng dalawa sa mga fan nila at kung may kapansin-pansin man, ang ganda at glowing talaga ni Sarah ngayon.

***

Jennylyn palaban sa mga DDS

Kahit na bina-bash ng mga obviously, pro-Duterte ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, mas marami pa rin ang talagang naniniwala sa aktres at sumusuporta rito.

Lalo na sa pagiging vocal at “mulat” niya ngayon sa mga usapin ng bansa.

May pa-trend o topic ngayon sa Twitter na dudugtungan yung “Realized…, yet…” na mga salita.

Sa Twitter post ng Kapuso star na si Mikoy Morales na sinundan ni Jennylyn, sinabi ni Mikoy na, “Realized how we can be so scared of getting hurt, yet become so fearless when we’re actually hurting.”

Sinundan ito ni Jennylyn nang na-realized naman daw niya.

Aniya, “Realized how some people can be so quiet to the injustices done to others, yet speaks out when they’re the ones affected.”

Kahit nagpapatawa ito na nag-nosebleed daw siya sa straight English post niya, sey pa rin ni Jennylyn, “Dinugo ilong ko dun. Pero yun nga. Hindi porket hindi ka apektado tatahimik ka na lang. Maling mali…”

Sa isang banda, pagkatapos ng anim na buwan, isa na rin si Jennylyn sa balik taping. Lock in taping na si Jennylyn at ang cast ng naudlot na primetime series nila sa GMA-7, ang Descendants of the Sun sa Rizal. Ang alam namin, simula na ito ngayong unang Linggo ng September.

The post Sarah, Matteo nag-iyakan sa concert first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *