Sarah guwapo, macho ang bagong leading man

Nagpasiklab muli ng galing sa pag-arte si Sarah Geronimo sa pelikulang “Unforgettable”. Lutang na lutang ang pagiging relax at natural niya sa screen at pagdating sa drama eh, tumotodo rin siya, huh!

sarah guwapo macho ang bagong leading man - Sarah guwapo, macho ang bagong leading man
sarah 10 - Sarah guwapo, macho ang bagong leading man

Jun Nardo I Know Better 24 336x224 - Sarah guwapo, macho ang bagong leading manNagpasiklab muli ng galing sa pag-arte si Sarah Geronimo sa pelikulang “Unforgettable”. Lutang na lutang ang pagiging relax at natural niya sa screen at pagdating sa drama eh, tumotodo rin siya, huh!

Napanood namin ang movie sa premiere night nito last Monday sa SM Megamall. Curious kaming panoorin ito dahil wala siyang aktor na kapareha’ ‘di gaya ng nakaraan niyang movies.

Isang aso ang madalas niyang kasama at aliw din ang tandem nila sa mga eksena. Pero mula simula hanggang ending eh siya talaga ang nagdala sa kuwento.

Swak din ang guesting ng mga artista. Pinaka-winner ang mga eksena ni Anne Curtis bilang isang nurse na nag-aalaga ng lola ni Sarah na ginampanan ni Gina Pareño.

Pasok din ang eksena nina Cherie Gil, Regine Velasquez, Marco Gumabao, Alessandra de Rossi, Kim Molina, ang aktor na tinawag na bakla ni Sarah at ang aktor bago ang ending ng pelikula, na ang deskripsiyon nga ay guwapo at macho.

Naku, dahil sa “Unforgettable”, kaya nang makipagsabayan ni Sarah sa padamihan ng best actress awards kina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo, huh!

Congratulations to all the cast, Viva Films at directors, Jun Lana at Perci Intalan! Showing na ang movie ngayong araw na ito.

Mga fan nag-init sa matambok na puwet ni Lovi

Gising na ang diwa ni Lovi Poe sa pagpapainit ng dugo sa Instagram. Buhay na buhay na naman ang mga lalaki niyang fan sa pagpapakita ng Primera Aktresa ng kanyang alindog at matambok na puwet!

Of course, na-miss ng netizens ang kaseksihan ni Lovi at now that she’s back, nagliyab na naman ang IG sa mga pasabog niyang litrato!

Muling sumalang sa big screen si Lovi sa Regal movie niyang “The Annulment”. Si Joem Bascon naman ang kanyang makakalampungan sa unang pagkakataon!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *