Sarah gustong ipasyal sa ere ni Ronnie

Matteo ‘di kasama? Unti-unti na ngang nagbubunga ang kagustuhan ni Ronnie Liang na maging piloto. Ngayon nga ay kinuha na siyang endorser ng Aviation Marketing Solutions, na pag-aari ni Hon Arquillo. Kaya madalas na makikita ang mukha ni Ronnie sa mga diyaryo, billboards, tarpaulins, na nakasuot pang-piloto. Pero siyempre, walang balak si Ronnie na iwanan […]

The post Sarah gustong ipasyal sa ere ni Ronnie appeared first on Abante News Online.

sarah gustong ipasyal sa ere ni ronnie - Sarah gustong ipasyal sa ere ni Ronnie
ronie - Sarah gustong ipasyal sa ere ni Ronnie

Matteo ‘di kasama?

Unti-unti na ngang nagbubunga ang kagustuhan ni Ronnie Liang na maging piloto. Ngayon nga ay kinuha na siyang endorser ng Aviation Marketing Solutions, na pag-aari ni Hon Arquillo.

Kaya madalas na makikita ang mukha ni Ronnie sa mga diyaryo, billboards, tarpaulins, na nakasuot pang-piloto.

Pero siyempre, walang balak si Ronnie na iwanan ang showbiz, lalo na ang pagkanta. Katunayan, siya nga ang madalas na kasama ni Sarah Geronimo sa paglilibot nito sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para mag-concert.

“Nakasama ko na siya sa Baguio, Cavite. Ang sa-yang kasama ni Sarah.

“Salamat sa mga Popsters kasi mainit ang pagtanggap nila sa akin. At sa November 8, magku-concert din ako na si Sarah naman ang guest ko. Sa Music Museum naman ‘yon, kaya salamat talaga kay Sarah,” sabi pa ni Ronnie.

Puring-puri ni Ronnie ang kabaitan ni Sarah, na madalas daw magpasalamat sa kanya.

“Nagpapasalamat siya sa pag-guest ko sa mga concerts niya. Pero ako nga ang dapat magpasa-lamat sa kanya.

“Magaan kasama si Sarah. Mapi-feel mo talaga na masaya siya kapag nakakasama mo siya.”

Hindi ka naiilang?
“Ang kagandahan kay Sarah, mapi-feel mo na gusto ka talaga niya na maging guest niya. Nabu-boost ang confidence mo ‘pag ganu’n. Kami kasi kapag nasa stage na, binibigay talaga namin ang best namin.

“Suportahan talaga kami sa stage. At saka hina-highlight talaga niya ang mga guest artist niya. Sinisigaw talaga niya ang mga pangalan ng mga guest niya. Ganu’n siya kabait,” sabi ni Ronnie.

Anyway, isa nga si Sarah sa mga gustong isakay agad ni Ronnie kapag kaya na niyang mag-solo flight, o tipong professional, o commercial pilot na siya.
“Sa ngayon, 2 seaters pa lang ang pinapalipad ko. Pero ‘pag dumating na ‘yung time na ‘yon, isasakay ko talaga si Sarah, pati mga boss ko sa Viva,” saad na lang ni Ronnie.

Siyanga pala, mapapanood din si R­onnie sa “Ghost Adventures” sa Sari Sari Channel ng Cignal Cable, kasama si Benjie Paras. (Dondon Sermino)

The post Sarah gustong ipasyal sa ere ni Ronnie appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *