Sarah G nagdusa sa co-star na si Happy

Nagdusa pala nang husto si Sarah Geronimo sa piling ni ‘Happy’ na ‘Milo’ raw ang tunay na pangalan!

sarah g nagdusa sa co star na si happy - Sarah G nagdusa sa co-star na si Happy
sarah 7 - Sarah G nagdusa sa co-star na si Happy

Nagdusa pala nang husto si Sarah Geronimo sa piling ni ‘Happy’ na ‘Milo’ raw ang tunay na pangalan!

Paano nga nagdusa si Sarah? At sino ba si Happy, o Milo?

Well, si Happy nga ay co-star ni Sarah sa pelikulang “Unforgettable”, na halos kaeksena niya minu-minuto. At doon nga nagsimula ang pagdurusa ni Sarah.

Imagine, may mga eksena raw sila na kahit tumutulo na ang luha ni Sarah, at perfect na ang eksena, ayon na rin sa kuwento nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana, pero dahil sa biglang pagbabago ng isip ni Happy, nasisira ang eksena at kailangan nilang ulitin.

May mga moment nga raw na dramang-drama na si Sarah at pati ang mga tao sa paligid ay nag-iiyakan na rin dahil sa husay ng aktres, pero dahil lang sa pagkakamali ni Happy, nawawalan ng saysay ang lahat.

“Nakakahiya nga, pero wala naman kaming magagawa. Nakikiusap na lang ako kay Sarah na ulitin ang eksena. Pero, ang maganda kay Sarah, hindi siya nagagalit. Siya mismo ang nag-adjust,” kuwento ni Direk Perci.

Kung ibang artista siguro ‘yan, baka nakiusap na kina Direk Jun at Perci na unahin na ang mga eksena niya, o kumuha na lang ng ibang co-star na hindi magbibigay ng problema o sakit ng ulo sa kanya. Pero, hindi niya ‘yon ginawa.

Sabi nga ni Ara Mina na co-star sa movie, may karapatan mag-diva-diva-han si Sarah, pero hindi niya ginawa. Sa laking artista ni Sarah, napakahusay nga raw nitong makisama.

Well, ngayon namin naintindihan kung bakit dalawang director ang kinuha para sa movie na ito. Mahirap nga kasing makipagtrabaho kay Happy.

Si Happy o Milo nga pala ay isang aso, na kasa-kasama ni Sarah sa lahat ng mga eksena niya sa pelikulang “Unforgettable” ng Viva Films.

Bongga, ‘di ba? (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *