Sarah excited makagilingan si Richard

Sarah excited makagilingan si Richard

After a long while, alam mo ba, Dondon, na mapapanood ulit sa “ASAP Natin ‘To” si Sarah Lahbati at magsasayaw siya.

sarah excited makagilingan si richard - Sarah excited makagilingan si Richard
sarah labati - Sarah excited makagilingan si Richard

Jun Lalin Anything Goes 17 336x224 - Sarah excited makagilingan si RichardAfter a long while, alam mo ba, Dondon, na mapapanood ulit sa “ASAP Natin ‘To” si Sarah Lahbati at magsasayaw siya.

Ang maganda, sa production number, makakasama niya ang lovey-dovey niyang si Richard Gutierrez, pero surprise pa kung ano ang gagawin ng aktor.

Actually, noon pa maraming request na magsama naman sa isang project ang dalawa, so, at least, mamaya, magkasama na sila sa production number ng “ASAP Natin ‘To” kaya matutuwa na ang mga fan nila, huh!

Sabi nga ni Sarah nang maka-text ko siya kahapon ay more than two years din siyang hindi nagsayaw kaya, “Excited kasi magda-dance at special prod with Chard, so, yeah it’s exciting!”

Actually, yesterday, si Richard, maaga pa lang ay nasa taping na ng “Maalala Mo Kaya” episode na “#MMKMyHandsomeBoss”, pero okay lang daw na maaga na naman siyang gigising ngayon para mag-“ASAP” para sa production number nila ni Sarah.

Pero siyempre, iba rin kapag si Sarah ang kasama ni Richard dahil kahit puyat sa taping ay mas may energy, huh!

Excited din ako dahil after ng guesting nilang ‘yon ay makakatsikahan ko sila for my Abante News Online show around 3:00PM para tanungin ang latest plans nila.

Si Richard kasi, busy ngayon sa shootings at tapings para sa ilang projects niya sa ABS-CBN.

Nakailang shooting days na rin naman sila ni Bea for their movie with Angelica Panganiban at nakapag-taping na rin sila para sa first teleserye na pagtatambalan nila.

Si Sarah naman, may Metro Manila Film Festival 2019 project din, ‘yung movie ni Bossing Vic Sotto with Pokwang and Maine Mendoza.

Hindi na rin naman nanibago si Sarah with Bossing Vic and Maine dahil nakasama rin niya ang mga ito sa “Eat Bulaga” nang mag-guest co-host siya roon nang ilang weeks.

Of course, I will also ask Richard and Sarah about Zion and Kai.

Si Zion, nahihilig ngayon sa football.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *