Sarah, Daniel movie kaabang-abang

Hindi na mapakali ang mga fan nang sa wakas ay nag-post si Sarah Geronimo ng pahapyaw tungkol sa pelikulang pagbibidahan niya.

sarah daniel movie kaabang abang - Sarah, Daniel movie kaabang-abang
sarah 4 - Sarah, Daniel movie kaabang-abang

Push na ‘yan!

Hindi na mapakali ang mga fan nang sa wakas ay nag-post si Sarah Geronimo ng pahapyaw tungkol sa pelikulang pagbibidahan niya.

Huling napanuod ang singer-actress sa pelikulang “Miss Granny”.

Ngayon naman ay muling ­bibida ang aktres sa ­pelikulang “Unforgettable”.
Sino naman­ kaya ang makakasama niya rito?

‘Yan nga ang dapat abangan.

At heto pa! ­Siyempre naman,­ super support ang boyfriend­ ni Sarah na si Matteo ­Guidicelli na ipinost para i-promote rin sa kanyang Twitter ang naturang pelikula.

Samantala, hula ng mga fan ay makakasama rito ni Sarah si ­Daniel ­Padilla. Pero mayroon ding ­nagsasabi na baka ang boyfriend mismo na si Matteo ang kasama ni Sarah sa pelikula?

Well, abangan na lang natin.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *