Sarah bantay-sarado ng ina sa B-day ni Matteo

Ay, gaano naman katotoo ang tsikang diumano’y nasa tabi-tabi lamang si Mommy Divine, ang dakilang nanay ni Sarah Geronimo nu’ng puntahan ng huli ang birthday celebration ng boyfriend na si Matteo Guidicelli?

The post Sarah bantay-sarado ng ina sa B-day ni Matteo appeared first on Abante News Online.

sarah bantay sarado ng ina sa b day ni matteo - Sarah bantay-sarado ng ina sa B-day ni Matteo
sarah 3 - Sarah bantay-sarado ng ina sa B-day ni Matteo

Ay, gaano naman katotoo ang tsikang diumano’y nasa tabi-tabi lamang si Mommy Divine, ang dakilang nanay ni Sarah Geronimo nu’ng puntahan ng huli ang birthday celebration ng boyfriend na si Matteo Guidicelli?

A few nights ago nga raw ay talagang personal na nakisaya si Sarah sa pamilya at mga close relative and friend ni Matteo when her boyfriend celebrated his 29th birthday.

Kuwentuhan, piktyur-piktyur at tuksuhan nga raw ang mga ganap, among them, ang panunuksong mas marami na nga raw alam na lutuin na putahe nga­yon si Sarah partikular na ang mga Ita­lian dishes, kaya’t ready na ito sa buhay may-asawa.

Naging tampulan din daw ng tsika ang ginawang sky diving fun ng actor kung saan unang-una nga niyang isini­gaw at sinabihan ng “I love You” si Sarah habang nakalutang sa ere.

Pero ang nakakawindang na tsismis on that same night, ay ‘yung tungkol sa umano’y presence ni Mommy Divine not on the venue itself kundi sa malapit na mga kainan lang?

Nakakaloka at hindi namin maunawaan ang nais palabasin ng masayang tsika na ito. Buhkeet???

The post Sarah bantay-sarado ng ina sa B-day ni Matteo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *