Sarah aayuda sa Marikina: Richard hanggang Dec. 8 pa sa Batangas

Hanggang December 8 pa aabutin ang kasalukuyang lock-in taping ng “FPJ’s Ang probinsyano”.

The post Sarah aayuda sa Marikina: Richard hanggang Dec. 8 pa sa Batangas first appeared on Abante.

sarah aayuda sa marikina richard hanggang dec 8 pa sa batangas - Sarah aayuda sa Marikina: Richard hanggang Dec. 8 pa sa Batangas
Sarah x Richard - Sarah aayuda sa Marikina: Richard hanggang Dec. 8 pa sa Batangas

Hanggang December 8 pa aabutin ang kasalukuyang lock-in taping ng “FPJ’s Ang probinsyano”.

Nang maka-text ko kahapon si Richard, ikinuwentong noong Saturday lang siya nakapag-taping uli dahil ilang araw rin silang na-pack-up dahil kay Typhoon Ulysses.

Sa Batangas kasi sila, kaya sobra silang naapektuhan ng bagyo. So, 2-days daw ang extension nila.

Ok na ok naman daw ang takbo ng taping nila dahil wala na nga ang bagyo.

Habang nasa lock-in taping, panay rin ang coordination nila ng misis na si Sarah Lahbati para makatulong sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses.

Bukas kasi ay sasama si Sarah sa grupo ni Chemist Pinky Tobiano para mamigay ng relief goods sa Marikina area.

Bale kahapon nga ay abalang-abala si Sarah sa pagpa-pack ng relief goods dahil bukod sa mga de-lata at bigas, nagpabili rin siya ng towels na ipamimigay niya bukas.

Samantala, panay rin ang panalangin nina Richard at Sarah na sana ay matigil na ang mga kalamidad sa mundo!

***

Fashion designer nalugi

Hindi ikinakaila ng isang kilalang fashion designer na nag-file siya ng bankruptcy. Pero inayos naman daw niya ang lahat ng dapat ayusin.

‘Yung mga tao niya na kailangan niyang i-let go, binayaran daw niya ng separation pay.

Pero hindi na lang daw niya talaga kaya na i-maintain ang stores na binuksan niya bago nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

May dalawang mananahi pa raw naman siyang natira at isang assistant, pero nagbukas na lang daw siya ng online store.

Panibagong business raw ‘yon na kinunan niya ng bagong business permit. ‘Yung stores daw kasi niya sa ilang malls, sa rental pa lang ay sobrang lugi na, plus nagbabayad pa siya ng mga tauhan.

Inusisa ko si fashion designer kung damay ba sa nalugi sa kanya ‘yung pera ng isang sikat na aktor na nakasosyo niya kamakailan sa isang collaboration?

“Hindi! Last year pa ‘yung collaboration namin, ok ‘yon. Kumita ‘yon. Wala kaming lugi doon!” sabi ni fashion designer.

Aba, at least, bongga ang aktor na ‘yon at nabawi pala niya ang puhunan sa collaboration na ‘yon with the fashion designer at kumita pa pala.

Ang nalugi ay si fashion designer dahil nga solo pala niya ang stores na binuksan kamakailan.

Well, that’s life! Ang tanging consolation na lang daw ni fashion designer ay, “Healthy pa rin naman ako at itong online store ko, medyo malakas at may dalawang taga-showbiz rin ako na kasosyo!”

The post Sarah aayuda sa Marikina: Richard hanggang Dec. 8 pa sa Batangas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *