Sarado na sa Dec. 31: Alden mababaon sa utang dahil sa resto

Hanggang December 31 na lang ang Concha’s Garden Cafe branch sa Quezon City na pag-aari ni Alden Richards.

The post Sarado na sa Dec. 31: Alden mababaon sa utang dahil sa resto first appeared on Abante.

sarado na sa dec 31 alden mababaon sa utang dahil sa resto - Sarado na sa Dec. 31: Alden mababaon sa utang dahil sa resto
abante alden richards 2 - Sarado na sa Dec. 31: Alden mababaon sa utang dahil sa resto

Hanggang December 31 na lang ang Concha’s Garden Cafe branch sa Quezon City na pag-aari ni Alden Richards.

Hanggang 4:00 PM on December 31 bukas ang garden-resto at tuluyan na itong magsasara. Naging malaking dahilan ang COVID-19 pandemic kung bakit nagdesisyon si Alden na isara na ang resto kesa mabaon sila sa malaking utang.

Maraming resto business sa Tomas Morato area ang naapektuhan ng husto noong magkaroon ng pandemic. Kahit na puwede na ang dine-in customers, limited sa iilang customers ang puwede kaya hindi sapat ang kinikita ng mga negosyo ‘di tulad noong wala pa ang COVID-19.

Binigyan pa rin ni Alden ng Christmas party ang kanyang mga empleyado na hindi niya nagawang tanggalin sa trabaho kahit na ilang buwan silang nagsara noong magsimula ang lockdown last March.

Malungkot na nag-sorry si Alden sa kanyang mga tauhan dahil ginawa na raw nila ang lahat ng adjustment pero hindi kinaya, kaya napagdesisyunan nila na isara na lang ang resto para di sila mabaon pa sa utang.

“Kung nabigyan lang kami ng more time, ayaw sana naming isara ito. Pero, wala kaming choice. Sorry, pasensya na kayo, wala rin kaming nagawa.

“Pasensya na kayo, hanggang doon lang kami, wala kaming nagawa. Malaki ang pasasalamat namin sa inyo, naitaguyod natin ito, kinaya natin ang 4-years, pumasok lang ang COVID at hindi lang naman tayo ang nagsara,” sey ni Alden na binigay pa ang last bonus ng kanyang mga tauhan sa resto.

Birthday ni Alden sa January 2 at wish niya na muling mabuksan ang resto niya para mabigyan ng trabaho ang marami nilang na-lay off na empleyado. (Ruel Mendoza)

The post Sarado na sa Dec. 31: Alden mababaon sa utang dahil sa resto first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *