Sanya type makipaglasingan kay Coco

Ang malaking boobs agad ni Sanya Lopez ang mapapansin sa inilabas na kalendaryo ng Ginebra San Miguel. Yes, super bongga nga ni Sanya dahil siya na ang Calendar Girl for 2020 ng GSM, ha!

sanya type makipaglasingan kay coco - Sanya type makipaglasingan kay Coco
sanya x coco - Sanya type makipaglasingan kay Coco

Dondon Sermino Paistaran 32 336x224 - Sanya type makipaglasingan kay CocoAng malaking boobs agad ni Sanya Lopez ang mapapansin sa inilabas na kalendaryo ng Ginebra San Miguel. Yes, super bongga nga ni Sanya dahil siya na ang Calendar Girl for 2020 ng GSM, ha!

At sa grand launch nga nito nu’ng Huwebes ng hapon, ang bongga-bongga ni Sanya, na ipinakilala bilang Island Girl, ha! At oo, ang bobos, at napakaseksing kurba ng katawan ang mapapansin mo.

“Hindi ako makapaniwala na mapipili akong Calendar Girl. Kasi, si Pia Wurtzbach ang last na Calendar Girl nila. Imagine Miss Universe, tapos ako ang ipinalit. Sobra, hindi talaga ako makapaniwala, eh,” tuwang-tuwang sabi ni Sanya nang makachikahan ko siya.

Matinding diet nga raw at gym ang ginawa niya bago siya sumalang sa pictorial. At wala raw siyang naramdamang hiya sa pictorial dahil napakabait daw ng mga tao na nag-assist sa kanya.

Siyempre, game naman si Sanya na maging pantasya siya ng kalalakihan. Ganu’n daw talaga at wala naman siyang magagawa. Eh, nag-pictorial siya ng seksi, kaya normal lang na maakit ang mga kalalakihan sa kanya.

“Pero hindi naman malaswa o bastos ang calendar namin,” saad niya.

Siyanga pala, nakakaloka lang na hindi Kapuso ang gustong makainuman ni Sanya, kundi si Coco Martin, ha!

“Kasi, balita ko umiinom din siya. Hahahaha! At saka, probinsyano siya, ‘di ba? Eh, probinsyana rin ako. So, bagay kami. Hahahahaha!

“At saka, ang alam ko gentleman siya, kaya masarap siyang kainuman, kaginuman,” natatawang sabi pa ni Sanya.

Halloween costume ni Zia super trending ulit

Walang kupas talaga ang panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Heto nga at muli na namang nahumaling ang mga netizen sa cute na cute na photo ni Ate Zia na ipinost ng kanyang proud Mommy kung saan game na game siyang nag-wacky pose sa Halloween costume niya!

Kuwento pa ni Marian, gawa raw sa recycled items ang isinuot ni Zia. Sa comment section, pati sina Jeric Gonzales at Joyce Ching ay aliw rin sa bata!

Matatandaan na noong mga nakaraang taon ay pinabilib ni Zia ang kanyang mga follower, fan sa kanyang mga Halloween costume bilang sina Joker, Marilyn Monroe, Pocahontas, at iba pa. Saludo kami sa cuteness mo, Ate Z!

Alden nakakatakot na guest sa concert – Betong

Isa nga si Alden Richards sa mga guest ni Betong Sumaya sa kanyang solo concert.

Sa unang pagkakataon, ipapamalas ng multitalented Kapuso comedian ang kanyang talento sa pagpe-perform sa concert stage sa kanyang first solo concert na “Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha?” on November 21.

Kinakabahan nga siya, pero mas excited siya sa mga mangyayari sa espesyal na gabi na ito dahil saktong gaganapin ang concert sa birthday niya!

Ayon kay Betong, asahan na uulanin ng special guest ang kanyang concert, kasama raw ang mga nakatrabaho niya at mga kaibigan sa industriya. Biro pa ni Betong, baka sa dami ng kaniyang bisita ay makalimutang siya ang bida ng gabi.

“Ang dami pong guests. Sa dami nila at sa sobrang bigat, baka magmukha pong ako ang guest nila.

“Eh, isa nga sa mga guest ko si Alden. Sabi ko nga, sa last part ko na lang siya isasalang, dahil baka kapag isinalang ko agad siya, pagkatapos ng number niya, mag-alisan na ang mga tao. Hahahahaha!” natatawang sabi ni Betong.

Para sa mga ticket, tawag na sa Ticketworld sa 891-999!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *