Sanya pamasak-butas kay Marian

Sa Monday pa ire-reveal kung sino ang napili ng GMA na ipalit sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa seryeng “First Yaya.”

The post Sanya pamasak-butas kay Marian first appeared on Abante.

sanya pamasak butas kay marian - Sanya pamasak-butas kay Marian
abante marian2 - Sanya pamasak-butas kay Marian

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Sanya pamasak-butas kay MarianSa Monday pa ire-reveal kung sino ang napili ng GMA na ipalit sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa seryeng “First Yaya.”

Alam naman ng lahat na ang naturang serye na pagtatambalan na sana nila ni Gabby Concepcion ay hindi na magagawa ni Marian. Ito mismo ang nag-beg-off sa serye dahil sa pandemic. Bilang ina, understandable na mas piliin muna ni Marian ang safety para sa kanyang pamilya, lalo na sa dalawa nilang anak ni Dingdong Dantes.

Dahil naka-set na talaga ang ‘First Yaya’ kaya itutuloy na rin ito ni GMA. Ang balita namin, dalawang actress daw ang pinagpilian na ipapalit kay Marian.

At kung tama ang hula namin, ang masuwerte raw na Kapuso actress ay walang-iba kung hindi si Sanya Lopez.

Pakabongga ni Sanya na mula nang i-launch ng GMA sa Encantadia, nagtuloy-tuloy na ang magagandang nangyayari sa career niya. Mula sa pagkukuwestiyon noong una kung bakit siya ang isa sa apat na Sang’gres, nagkaroon ng premium si Sanya bilang isang celebrity.

***

Lea minura kapalpakan ng Dept. Ed

Sunod-sunod na ipinost ni Lea Salonga ang mga pagkakamali sa ipinamamahagi raw na libro o materials sa modular classes ng Department of Education.

Merong mali ang picture ng hayop sa pangalang nakalagay. May mali ang spelling at iba pa. Napamura muli si Lea sa naging pagpuna niya sa ilang mali sa mga ginagamit na materyal ngayon, “This might be never-ending. Excuse me, I need to gouge out my eyes. QUE HORROR!!!

“For the love of……. there aren’t enough curse words in my vocabulary for this s***!!! THAT IS AN OWL, YOU IDIOTS!!!”

Yung iba kasi, lalo na yung mga nasa public school, hindi talaga kaya ang online school kaya modular ang naging sistema ng pag-aaral dahil sa pandemic. Ilan sa mga followers ni Lea ay tila hindi rin makapaniwala sa mga pagkakamaling ito na ipinapamahagi ngayon para pag-alaran ng mga batang mag-aaral through modular. May mga nagtawa at meron ginawang joke ang mga pagkakamaling ito.

Pero marami rin netizens ang pumuna sa ginawa ni Lea. May ilang nagsabi na bakit daw kailangan pang i-post ng tulad ni Lea ang mga ganitong pagkakamali at i-sensationalize pa sa social media. Konting konsiderasyon daw sana lalo na at bago ngayon ang sistema ng edukasyon at pressured din daw ang mga educators.

Sabi ng isang netizen, “Sana wag po puro sisi at sensationalize sa errors sa social media. Tama po na kung may nakita po ang magulang na mali, itama nyo po agad, resulta lang po ‘yan na minadali ang modules. Kung alam niyo lang ang sakripisyon ng mga guro ngayon.”

“Ang O.A. lang ng mga naglalabasang news about modules. Be considerate naman din sa mga teachers. Siguro sobrang pagod na kaya minsan may mga nao-overlook na letters, spelling, grammar. Hindi lahat perpekto!”

Sinabi naman ng isang netizen na hindi raw kasalanan ng mga teachers ang ilang mali sa modules. Sa main office raw ng Department of Education galing ang mga ito at dapat daw inedit muna bago pina-print at ibinahagi sa mga teachers.

The post Sanya pamasak-butas kay Marian first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *