Sanya palaban na sa ‘Dahil Sa Pag-ibig’ Winwyn ‘salot sa lipunan’

Hindi na ako nagtaka na naging Top 18 (trending) sa YouTube ang “Dahil Sa Pag-ibig” nina Sanya Lopez, Benjamin Alves, Pancho Magno at Winwyn Marquez, na napapanood tuwing hapon sa GMA-7.

The post Sanya palaban na sa ‘Dahil Sa Pag-ibig’ Winwyn ‘salot sa lipunan’ appeared first on Abante News Online.

sanya palaban na sa dahil sa pag ibig winwyn salot sa lipunan - Sanya palaban na sa ‘Dahil Sa Pag-ibig’ Winwyn ‘salot sa lipunan’
ABANTE pagaibig - Sanya palaban na sa ‘Dahil Sa Pag-ibig’ Winwyn ‘salot sa lipunan’

BANTAY TELESERYE

Ni: Dondon Sermino

Hindi na ako nagtaka na naging Top 18 (trending) sa YouTube ang “Dahil Sa Pag-ibig” nina Sanya Lopez, Benjamin Alves, Pancho Magno at Winwyn Marquez, na napapanood tuwing hapon sa GMA-7.

Eh kasi naman, daig pa ang action, horror na eksena sa episode (#39) na ‘yon, dahil nahuli na nga ni Mariel (Sanya) ang pagiging manloloko ni Eldon (Benjamin), na kabit nga nito si Portia (Winwyn). Kasunod pa ang eksena na nakita niya si Gary (Pancho) na may kasama ring ibang babae.

Bongga nga ang eksena na feeling mo ay mahuhuli na ni Sanya si Benjamin na kasama si Winwyn sa loob ng condo unit, pero dahil natunugan ni Winwyn, nakapagtago siya sa isang lamesa/cabinet.

Ganu’n na ganu’n ang mga eksena noon sa “Ika-6 Na Utos”, na akala mo ay mahuhuli na ni Sunshine Dizon sina Ryza Cenon at Gabby Concepcion sa kalokohan nila! Huling-huli nga ng GMA-7 ang kiliti ng mga manonood pagdating sa panghapong teleserye, na dapat, galitin mo ang orig na asawa, at dapat ay nakakabuwisit talaga ang kabit. ‘Pag ganu’n ang formula, siguradong panalo ka sa mga manonood.

Aliw nga ang mga manonood sa mga linya ni Sanya na:

“Hindi ako na-inform, nasa Luzon na pala ang Cebu!”
“Manloloko ka, Eldon!”

“Cebu mo mukha mo!”

At sa episode na ito, nakaramdam ng tuwa ang mga manonood, dahil nakita nga nila na unti-unti ay nabibigyan ng katarungan ang bida.

Heto nga ang chika ng mga fan:
Madelyn Rogador, “Ayan Danaya dapat ganon palaban love kita. Laban Danaya ibuga mo ang brilyanti ng Lupa.”

Treblem Edlaroc, “Best actress Sanya Lopez.”

Marvie Gonzaga, “Salamat pumanig din yong director sa bida hinde lagi inaapi.”

Jr Adao, ‘Ayan ahas pa more ha!”

Earlen Gubael, “Wow tapang na ni Ate Wyn nong wala na c Ate Sanya hahaha.

Kung matapang kang kabit ka dapat hinarap mo c original n wife hahaha.”

David Lagria, “Pansin ko lang ha! Nung inangat ni Portia ang takip ng kahon yung nakapatong hindi nahulog, pero nung si Eldon na ang nagbukas hahahahahaha kinuha at natanggal pa, pano nangyari yun? Ako Lang ba nakapansin?

maritess gillo, “Buti nga sa inyo huli ka balbon.”

Sheryle mhay ArguElles, “Kahit saang anggulo mo dalhin kabit ka pa rin.
Salot ka sa lipunan salot, dimonyo, gagu na kabit. Go Mariel.”

Vee Locca, “I love this drama teleserye too much trilling excited na ako sa bukas na naman huhuhu.”

Mavz Cepria, “Inuna mo naman talak mo Mariel eh, hayszz ok na sana huli na eh. Dapat inuna mo paghahanap ng kabit susme Mariel. Sa kakatalak mo nakatago agad yung daga.”

Wow, ganyan ka-intense ang nararamdaman ng mga manonood sa “Dahil Sa Pag-ibig”, ha! Basta talaga may kinalaman sa kabit, nagwawala ang kababaihan.

Kunsabagay, sino ba namang babae ang papayag na maagaw sa kanila ang mga asawa nila? O lokohin sila ng mga mister nila dahil sa isang babae rin?

The post Sanya palaban na sa ‘Dahil Sa Pag-ibig’ Winwyn ‘salot sa lipunan’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *