Sanya naghahanap ng aasawahin

Marami ang napanganga nang masila­yan si Kapuso actress Sanya Lopez habang rumarampa na suot ang isang bejeweled bridal ball gown with matching tiara sa fashion show ni Pinoy designer Leo Almodal.

The post Sanya naghahanap ng aasawahin appeared first on Abante News Online.

sanya naghahanap ng aasawahin - Sanya naghahanap ng aasawahin
sanya 1 - Sanya naghahanap ng aasawahin

Mga hokage, abangers nabuhayan:

Marami ang napanganga nang masila­yan si Kapuso actress Sanya Lopez habang rumarampa na suot ang isang bejeweled bridal ball gown with matching tiara sa fashion show ni Pinoy designer Leo Almodal.

Kitang lalong umangat ang ganda at figure ni Sanya. Lalo pang nabaliw ang kanyang mga follower nang i-post niya ang dinaluhang event at may pa-caption pa na, “Where’s my groom?”

Siyempre pa, nagkandarapa ang mga ‘abangers’ at mga hokage na patay na patay sa alindog ni Sanya, wishing na sila na ang nababagay na mapangasawa ng lead star sa GMA teleseryeng “Dahil sa Pag-ibig.” Maging ang ilang celebrity ay napa-react sa IG post niya na mayroon nang 100K+ likes na.

Donitanose, “Omg… grabe beh pang miss universe na.”
Benxalves, “Yun yun Eh (heart emoticon).”

Sa ngayon nga ay single pa rin si Sanya at aniya nga’y no boyfriend since birth daw siya. Nang matanong kung bakit hindi nga siya nagkaka-boyfriend, “Iyon kasi mahirap sa’kin, ginagawa kong barkada ‘yung mga [manliligaw ko], so nahihiya na sila manligaw.

“Pero mas masaya na ako na ganito.”
As always, ‘di pa rin nawawala ang mga umaasa na siya ang gumanap na Darna, kung ‘di nga lang siguro siya Kapuso.

Msgnsshnn, “Oh myyy bagay na bagay talaga sya sa role na Darna!” (Jun Lopez)

The post Sanya naghahanap ng aasawahin appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *