Sanya gustong lumipad sa Japan, Canada, Boracay

Iwasang magkasakit, at huwag mawalan ng pag-asa ang paalala ni Sanya Lopez sa kanyang mga kababayan sa Bulacan.

The post Sanya gustong lumipad sa Japan, Canada, Boracay first appeared on Abante.

sanya gustong lumipad sa japan canada boracay - Sanya gustong lumipad sa Japan, Canada, Boracay
Sanya Lopez 1 - Sanya gustong lumipad sa Japan, Canada, Boracay

Iwasang magkasakit, at huwag mawalan ng pag-asa ang paalala ni Sanya Lopez sa kanyang mga kababayan sa Bulacan.

“Maging maingat lagi sa sarili. Follow safety protocols. Wear mask and face shields. Let’s wash our hands regularly. And practice social distancing. Tatlo lang ‘yon sa dapat tandaan para makaiwas sa COVID-19. At wag tayong mawalan ng pag-asa. Mag-cope tayo sa ganitong crisis. Hindi naman tayo bibigyan ng problema ni God na hindi natin kaya,” sabi pa ni Sanya.

Likas nga raw sa mga Bulakenyo ang pagiging matulungin.

“Kaya magtulungan tayo and keep the Bayanihan spirit within us. Darating ang panahon at malalagpasan din natin ito sa awa ng Diyos,” sambit pa niya.

Aminado si Sanya na paunti-unti ay nakaka-adjust na siya sa new normal.

“Pero puro work from home pa rin. Parang 3 times pa lang akong nakakalabas, `yung isa sa taping ng Wish Ko Lang.

“Malungkot dahil dream ko talaga ang mag-travel,” saad pa niya.

Memorable kay Sanya ang mga bansang Japan, Canada, at siyempre Boracay.

“Masarap ang food sa Japan, lalo na ang ramen. Nag-bonding kami doo ng brother (Jak Roberto) ko at ni Barbie (Forteza).”

“Memorable ang Boracay dahil first time ko ‘yon na magbakasyon after three years na tuluy-tuloy ang trabaho.

“At gandang-ganda ako sa Canada kahit short visit lang ginawa ko. Ang disiplinado ng mga tao.”

Pero, malakas ang paniniwala ni Sanya na babalik din sa normal ang lahat, at bubuti ulit ang buhay ng mga tao, lalo na ng mga taga-Bulacan.

“Alam ko mabibisita ko pa rin yung mga lugar na ‘di ko pa napupuntahan,” positibong say niya.

At sabi nga niya, malapit lang daw sa bahay niya sa Malolos, Bulacan ang itatayong airport, kaya baka roon na siya sumakay ng eroplano sa mga susunod niyang biyahe.

Tuwang-tuwa si Sanya nang mabalitaan na may itatayong airport ang San Miguel Corporation sa kanilang lugar.

“Nakaka-proud kasi taga-Bulacan ako and magkakaroon na kami ng airport.”

Pag-asa, trabaho nga raw ang idudulot nito sa mga kababayan niya. Imagine, pag nagawa na raw ang naturang airport ay kaya nitong tumanggap ng 100 milyon na pasahero kada taon dahil sa paunang apat na runway, world class na terminal at transport system.

At ang pinaka-bongga sa lahat ay mahigit isang milyong trabaho ang magagawa nito, at sisibol ang iba’t ibang negosyo at makakatulong mapaunlad ang turismo.

“Malaking bagay ang magagawa ng San Miguel sa aking mga kababayan sa Bulacan. It will not only generate jobs to my kababayan kundi marami rin ang papasok na turista at businesses pa sa aming lugar,” sambit pa ni Sanya na puno ng pag-asa at ngiti sa buhay ngayon.

The post Sanya gustong lumipad sa Japan, Canada, Boracay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *