Sanya ‘di pa type ‘magpabinyag’ sa lalaki

Nakakatuwa ang suwerteng dumating kay Sanya Lopez. Una kong na-meet si Sanya sa “Walang Tulugan” kasama ang kapatid na si Jak Roberto.

sanya di pa type magpabinyag sa lalaki - Sanya ‘di pa type ‘magpabinyag’ sa lalaki
sanya 2 - Sanya ‘di pa type ‘magpabinyag’ sa lalaki

Joe Barrameda Talbog 336x224 - Sanya ‘di pa type ‘magpabinyag’ sa lalakiNakakatuwa ang suwerteng dumating kay Sanya Lopez. Una kong na-meet si Sanya sa “Walang Tulugan” kasama ang kapatid na si Jak Roberto.

Sa tuwing nakakakita kami ng magkapatid sa ­showbiz ay laging ­bumabalik sa alaala namin ang laging sinasabi ng namayapang Alfie Lorenzo na wala raw sumisikat nang sabay na magkapatid sa showbiz. Isa lang daw ang sisikat.

Pero hindi ‘yon nangyari sa magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez.

Parehong maganda ang career nila.

Eh kasi nga, ­parehong bida sa mga teleserye ang magkapatid. Si Sanya ay nagbida na bilang Danaya sa ­“Encantadia” at marami pang iba. Ganun din si Jak, ha!

Mahusay ring artista si Sanya, at lahat ng role na binibigay sa kanya ay nagagampanan niyang mabuti.

Sa ngayon ay bida nga si Sanya sa “Dahil Sa Pag-ibig” opposite Benjamin Alves at Pancho Magno. Talagang sineseryoso niya ang kanyang career at wala siyang panahon sa love life. ‘Di ba nga, hanggang ngayon ay virgin pa rin siya, at never pang natitikman ng lalaki.

At saka na raw niya ­iisipin ‘yon, pero sa ­ngayon ay wala raw ­siyang oras sa lalaki. Ang maganda rin kay Sanya na kahit sumisikat siya ay never nagbago ang ugali at laging nakaapak sa lupa ang mga paa niya.

Aiko bigo na patumbahin si Dimples

Masaya si Aiko Melendez sa outcome ng “Prima Donnas” base sa rating ng bagong afternoon serye ng GMA. Hindi man nila naungusan ang kalaban ay nakikipagpuk­pukan naman sila.

Ang mga bida sa katapat na programa na “Kadenang Ginto” na sina Beauty ­Gonzales at Dimples ­Romana ay mga ­kaibigan ni Aiko at hindi dahilan ang pagtatapat nila para masira ang friendship nila. Matagal ding nag-work si Aiko sa ABS-CBN kaya­marami siyang friends doon.

Nagpapasalamat si Aiko na kahit hindi nila naungusan ang katapat ay ­laging loaded ng mga ­commercial ang bago nilang progra­mang “Prima Donnas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *