Sandra sa MUP: ‘Makunsensiya kayo’

Ang naganap na Miss Universe Philippines pa rin ang pinag-uusapan ngayon. Dahil na rin sa akusasyon ni Miss Taguig Sandra Lemonon na diumano ay may “dayaang” naganap.

The post Sandra sa MUP: ‘Makunsensiya kayo’ first appeared on Abante.

sandra sa mup makunsensiya kayo - Sandra sa MUP: ‘Makunsensiya kayo’
Sandra Lemonon - Sandra sa MUP: ‘Makunsensiya kayo’

Rose Garcia Annyeong 3 1 300x200 - Sandra sa MUP: ‘Makunsensiya kayo’Ang naganap na Miss Universe Philippines pa rin ang pinag-uusapan ngayon. Dahil na rin sa akusasyon ni Miss Taguig Sandra Lemonon na diumano ay may “dayaang” naganap.

Luz Valdez o talunan si Sandra na ilang beses na rin lumaban sa mga beauty pageant. Dahil sa pag-alma niya, tinitingnan siya ngayon bilang “bitter” at hindi kayang tumanggap ng pagkatalo.

Siyempre, may mga pumanig din sa tapang ni Sandra. At kahapon ay muli na naman siyang nag-post, patutsada sa kanyang IG story.

“Defensive Behavior is a barrier for communication. Only people without a clear conscience should be afraid of the truth,” sey nito.

Ngayon, ang hamon ng mga netizen at beauty pageant enthusiasts kay Sandra, kung totoo talaga ang claim nito na ‘dayaan’ ituloy-tuloy na niya sa pagsisiwalat kung ano ito.

Dahil kung hanggang pagpaparinig lang ang mga post niya, ay “bitter” lang ang tingin sa kanya.

Kahapon ay muli ring nag-IG story si Sandra, at mukhang ito nga ang sagot sa hamon sa kanya.

“Sometimes you will have to face many hate before people get to understand what really is happening behind the scene.

“I am gathering all my strength to speak up and share the truth. All I want is for us to improve who will be in our shoes & I do not want them to face what we did. Because we can do better & deserve better.”

Pinost din niya ang sinabi ni Martin Luther King, Jr. na: “Injustice anywhere is a threat to justice everywhere.”

‘Kababawan’ ni Kris sakay ni Gideon

Rooting talaga ang mga followers ni Kris Aquino sa kanilang dalawa ni Atty. Gideon Pena. May ibang naniniwala na there’s something between the two, sa kabila ng paulit-ulit na sinasabi ni Kris na magkaibigan lang talaga sila.

At sabi ng iba, sana raw ay sila na lang talaga dahil kayang-kaya rin daw sakyan ni Atty. Gideon ang mga “kababawan” ni Kris.

Minsan pang sinagot ni Kris ang nag-assumed na sila na nga sa kanyang Instagram nang mag-comment ito na, “Happy to see u with someone. I’ve always admired you.”

Sey ni Kris, “In the sense I’m not alone (Kuya Josh went to visit my sister Viel & Bimb was still sleeping). But there’s really just friendship & it’s a chill type of togetherness.”

Halatang mas masaya at mas positive si Kris mula nang kuhanin siya as Face of Shoppee. May nagtanong kay Kris kung totoo raw na kukuhanin siya ng isang bagong TV network para sa big project nito next year.

“I haven’t met with any of their representatives,” sagot ni Kris.

At sa tanong kung may chance pa rin na mag-work pa rin siya sa ngayon ay off-air pa na ABS-CBN, positibo naman ang naging tugon ni Kris dito na, “I’d like to think bridges can always be built.”

The post Sandra sa MUP: ‘Makunsensiya kayo’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *