Sandra, Michele at iba pang talunan sa MUPH nagsama-sama

Binigyan ng ‘kulay’ ng mga netizen, o supporter ni Rabiya Mateo, ang pagsasama-sama nina Sandra Lemonon, Michele Gumabao, Zandra Nicole Sta. Maria, Riana Pangindian, Adelma Krissel Benicta, Noreen Victoria Mangawit, Joecel Marie Robenta, Christelle Abello, Ivana Kamil Pacis, Lou Dominique Piczon, Mariel Joyce Pascua, Caroline Veronilla sa isang dinner date.

The post Sandra, Michele at iba pang talunan sa MUPH nagsama-sama first appeared on Abante.

sandra michele at iba pang talunan sa muph nagsama sama - Sandra, Michele at iba pang talunan sa MUPH nagsama-sama
abante sandra michelle - Sandra, Michele at iba pang talunan sa MUPH nagsama-sama

dondon sermino 13 - Sandra, Michele at iba pang talunan sa MUPH nagsama-samaBinigyan ng ‘kulay’ ng mga netizen, o supporter ni Rabiya Mateo, ang pagsasama-sama nina Sandra Lemonon, Michele Gumabao, Zandra Nicole Sta. Maria, Riana Pangindian, Adelma Krissel Benicta, Noreen Victoria Mangawit, Joecel Marie Robenta, Christelle Abello, Ivana Kamil Pacis, Lou Dominique Piczon, Mariel Joyce Pascua, Caroline Veronilla sa isang dinner date.

Feeling ng mga netizen, nagtulong-tulong ang mga babae na ito para ipakita ang puwersa nila laban kay Rabiya. Hindi nga bet ng mga fan na parang nang-aasar pa ang mga ito sa mga photo nila.

“Mga talunan! Rabiya deserved the crown. Plss accept fefeat. Move on girl. Itigil na ang chismizzz!” sabi ng isang fan.

Na sinagot naman ni Patricia Pineda Santos na, “Also I don’t have chizmizz! I have facts!”

Ipinost nga ni Sandra sa kanyang Instagram story ang reaksiyon ng ibang fan.

“These are the messages my lovely sisters get, after our Manila gathering,” sabi ni Sandra.

“And this is how my gorgeous MUPH sister @patriciapinedasantos replied to this troll,” sey pa niya patungkol sa sagot na ito na, “We just wanted to bond together since we are all in Manila & everyone was invited in our group MUPH group chat. Including the winner!”

Mababasa naman sa ibang post tungkol sa mga naglabasang photo ang mga mensahe na tulad ng ‘aasahan mo bang dadalo ang ‘winner’ kung may mga kasama kayo na hindi tanggap ang pagkatalo, at inakusahan siyang nandaya?’

Well…

Kapamilya reporter trending, ‘di napatumba ng bagyo

Bumuhos ang papuri para sa ABS-CBN reporter na si Dennis Datu, matapos mag viral ang video ng kanyang pagbabalita tungkol sa bagyong Quinta mula sa isang highway sa Oriental Mindoro.

Sa video makikitang hirap si Dennis na manatili sa pwesto habang live na nag-uulat para sa TeleRadyo dahil sa malakas na pagbugso ng hangin at ulan. Dali-dali naman siyang tinulungan ng dalawa pang kasamahan mula sa ABS-CBN News para hindi tumumba.

Mala-pelikula ang eksena nila lalo na’t sa gilid ng kalsadang kanilang kinatatayuan ay rumaragasa naman ang tubig baha sa isang palayan na nagmukha nang dagat. Dagdag pa ang mga impormasyong ibinigay ni Dennis, talagang makikita at maiintindihan ng sinumang manonood sa kanyang report kung gaano katindi ang bagyo at ang kinahaharap na sakuna ng mga taga-Mindoro.

Kaya naman inulan din ng pagbati sa social media ang grupo ni Dennis sa pinakita nilang dedikasyon at katapangan sa pagganap sa kanilang tungkulin bilang mamamahayag.

Sabi ng netizen na si @jsi10941 “yan ang pagbabalita walang takot saludo to @ABSCBNNews team.” Sambit naman ni @mariebalajoro2, “SALUTE TO SIR @Dennis_Datu super appreciated ang effort makapagbalita. Yan ang TATAK @ABSCBNNews.”

Hindi nga napigilan ng iba na banggitin ang isyu ng prangkisa, tulad ni @themarvinreyes. Aniya, maski limitado ang naaabot ngayon ng TeleRadyo, tuloy pa rin si Dennis sa pagbabalita sa gitna ng bagyo para ipakita ang sitwasyon ng pinsalang dulot nito. “Wala pang Franchise yan! Ang galing!” hirit pa niya.

The post Sandra, Michele at iba pang talunan sa MUPH nagsama-sama first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *