Sana all! George Clooney namudmod ng $1M kada tropa

Parang nanalo sa lotto ang mga malalapit na kaibigan ni George Clooney matapos silang makatanggap ng $1 million cash mula sa Hollywood actor.

The post Sana all! George Clooney namudmod ng M kada tropa first appeared on Abante.

sana all george clooney namudmod ng 1m kada tropa - Sana all! George Clooney namudmod ng $1M kada tropa
George Clooney - Sana all! George Clooney namudmod ng $1M kada tropa

Parang nanalo sa lotto ang mga malalapit na kaibigan ni George Clooney matapos silang makatanggap ng $1 million cash mula sa Hollywood actor.

Sa panayam kay Clooney sa GQ, kinuwento nito na noong 2013 bago ipalabas ang kanyang hit movie na ‘Gravity’, nakaisip siya ng paraan para mapasalamatan ang 14 niyang best friend na nakasama niya sa hirap at ginhawa.

Saad ni Clooney, ang kanyang mga kaibigan ang tumulong sa kanya noong siya’y walang-wala.

“And I thought, what I do have are these guys who’ve all, over a period of 35 years, helped me in one way or another,” saad ng Oscar awardee.

“We’re all good friends. And I thought, you know, without them I don’t have any of this. And we’re all really close, and I just thought basically if I get hit by a bus, they’re all in the will. So why the f-ck am I waiting to get hit by a bus?” aniya pa.

Gumawa ng paraan si Clooney para makakuha ng $14M cash nang isang bagsakan at binigay ito sa kada kaibigan niya matapos anyayahan ang mga ito sa dinner. (RP)

The post Sana all! George Clooney namudmod ng M kada tropa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *